Chapter 21

2.2K 109 109
                                    

Assurance

Kenji's

Pagkatapos ng klase ay napagpasyahan na naming umuwi ni Koji since wala naman na akong ibang subject. Pinagkakaguluhan na rin kasi si Koji sa loob ng hall kaya umalis kami kaagad.

Sila Drei at Red naman ay may pupuntahan daw. Ewan ko ba kung bakit sumasama na si Red sa theater, hindi naman s'ya kasali ron. But that is out of my business already.

"Nakakapagod." I heard Koji's whisper when I opened the door for him. I smiled a bit because that word was exactly what I would say once I finally got in my car after a long day.

Patakbo akong pumunta sa kabilang side at pumasok na rin.

"Pagod saan?" Kuryusong tanong ko sakaniya habang inaayos ang seatbelt ko.

Sumandal s'ya sa upuan at humangos. "Sa pakikipag-daldalan sa mga ka-block mates mo."

I scoffed and shook my head. Well, I agree with him. He's right.

"Nakakapagod talaga makipag-socialize. Relate ako sa'yo." I said.

"Ginagawa mo 'yun araw-araw?" He asked while wearing the seatbelt. I felt the fatigue in his voice, so I was a bit worried.

"Yeah. Everyday." I crunch my nose and tilted my head a bit.

I saw him nodding while closing his eyes, leaning his head back on the seat. Hindi na rin s'ya sumagot na hinayaan ko nalang din. Perhaps it's his own way to calm his mind.

Sandali akong napatitig sakaniya. Tahimik sa loob ng kotse kaya nakakakalma rin, idagdag pa ang maganda n'yang mukha. Literal na kalmado, pati ang mata ko ay nakakapag-pahinga rin.

When he opened his eyes, he looked at me directly. He was surprised to find me staring at him, but I just smiled sweetly instead of averting my gaze.

"Ba't hindi mo pa pinapaandar?" He raise his brow a bit.

I leaned back in my seat and glanced at the steering wheel before returning my gaze to him.

"Pahinga muna, Koji. Napagod ka, e."

Natahimik kami pareho. Umiwas s'ya ng tingin at tumango ng isang beses, binasa n'ya ang labi n'ya kaya napatingin ako ro'n. Sobrang ganda ng labi n'ya, masarap siguro halikan?

I shook my head slightly before getting lost in my thoughts. Ikalma mo naman, Kenji. Boyfriend ka na ba?

I faced forward while feeling for my pocket, took out my cellphone, and glanced briefly at him.

"Would you like some music to refresh your mind?" I asked as I fiddled with my phone.

Umiling-iling s'ya. "'Wag na, mas maganda kapag tahimik lang."

I was left speechless by what he said and had to stop myself from smiling. We both liked the same thing, just being quiet. I was happy to have someone to rest with and enjoy the silence for a moment.

Ibinaba ko na lang cellphone sa hita ko at isinandal ulit ang ulo sa upuan, tumingin ako sakaniya kaya napatingin din s'ya saakin.

"Alright," I smiled simply. "i'll be quiet with you then."

Hindi s'ya sumagot at tumitig lang sa'kin, bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon pero pinigilan ko ang kilig at nakipag-titigan din sakaniya. He looks genuine with that look kaya sinulit ko na. Minsan lang 'to, e.

My eyebrows raised on it's own when he smiled at me flatly. Oh God, he smiled at me? He really knows how to get me. He knows!

Ipinikit n'ya ulit ang mata n'ya saka idiniretso ang ulo na parang wala lang s'yang ginawa. Habang ako heto, napapa-kurap sa gulat habang nakatitig parin sakaniya, pero napangiti na rin lang kalaunan. I also closed my eyes and rested my head on my seat, with a smile on my lips.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now