Chapter 15

2.1K 83 118
                                    

No Games

Kenji's

"Ang cute," bulong ko sa aking sarili habang kumakain ng breakfast sa mini kitchen at nakaharap sa laptop, magdamag ko nang tinitignan ang profile ni Koji kahit paulit-ulit lang naman ang nakikita ko at hanggang umaga na 'yon.

Pero may isang picture talaga akong binabalik-balikan, maliban sa picture ng ice cream namin ay mayroon pa. It's Koji's...childhood picture.

"Ang cute talaga, oh. Nagpapa-cute ka ba sa'kin huh?" Ngumuso ako at binasa ang labi bago hinayaang ngumiti. Sinuklay ko ang basa kong buhok habang ang mga mata ay nasa laptop padin at nakatitig sa picture n'ya.

Ewan ko ba kung bakit cute na cute ako doon. Siguro dahil sa mata? O sa pose n'yang naka peace sign at naka kindat pa. O 'di kaya, sakaniya mismo?

Nang matapos kumain itinigil ko na muna ang pagtitig sa laptop ko, baka maputulan na ako ng ugat kapag hindi pa ako tumigil, e. Puyat na nga kaka-stalk sa Facebook account n'ya, pati ba naman maghapon? Mababaliw na yata ako rito, parang gusto ko nalang lumipat agad.

I was about to close the laptop when suddenly a notification popped up, I think Red tagged me in a post that I quickly looked at.

Let's go kaogma! Kenji , Math , Drei , Taslan , Wesley.

It appears that there are others tagged in that post as well, sila Math rin pala. As I looked at the picture in Red's shared post, I suddenly realized that it's May, so naturally, The Hottest Festival will always be a recurring event.

Opening ng kaogma bukas. Medyo nakakatamad lalo na't pagod ako pagkatapos ng training, pero kung sasama si Koji edi..why not?

I was doing a lazy dance while walking towards my room. Nakuha pa talagang sumayaw, 'no? Well, maaga naman akong nagising at excited akong pumasok ngayon, or should i say hindi ako natulog?

Baka lahat ng activities at projects namin ma perfect ko pa, nakakahiya naman. Hindi lang ako motivated ngayon, inspired pa. Tang ina, grabe na ang tama ko kay Koji, malala pa sa tama ng alak.

My day continues with classes and football, and in my free time, we jam in the studio to keep our bodies in shape for playing music because we're preparing for the battle of the bands.

My performance in football has improved more and more. Coach has praised me even more also. And of course, my teammates are now curious about who's been giving me strength but i just giving them a smile when I remember who it is, of course, there's only one person.

"Water break!" Sigaw ni coach sa kalagintaan ng training namin. Hingal kaming tumakbo papunta sa gilid ng Field para uminom ng tubig, malamang water break nga.

Umupo sa bench kung saan ko iniwan ang duffel bag of saka uminom sa tumbler, i rested my elbow on my knees while my left hand comb by hair and let some strands fall. Pagkatapos uminom ay napatingin ako sa paligid, nagbabakasakaling pupuntahan ako ng first6, pero mukhang busy pa 'yon sa pag aalaga kay Koji.

"Gago, sumali din 'yan?"

"Ang kapal talaga ng mukha."

Napakunot noo ako nang marinig ang bulungan ng mga ka-team-mates ko, may tinitignan sila sa kabilang dulo ng field at parang hinuhusgahan pa kaya mabilis akong lumingon doon.

I squint my eyes and lick my lower lip as i was trying to guess who is it, hindi ko makita ng maayos dahil malayo na rin pero ang alam ko lang naglalakad papalapit saamin ang ilang soccer players ng kabilang department.

Mayabang na lalaki ang humarap saakin nang medyo malapit na sila, nakaupo parin ako sa bench at sinusubukan kilalanin kung sino iyon.

"Tune-up? for fun lang."

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now