Ano, paano, at bakit?

2 0 0
                                    

Kung bumalik man ang panahong hindi mo na kayang damhin at dalhin ang sakit at pasakit ng mundong mapait, bumalik ka sa mga tanong na ano, paano at bakit.

Ano nga ba ang una mong nadama noong sinabihan ka nila na "Ang galing mo talaga!" Hindi ba't sobrang saya na marinig 'yon mula sa kanila?

Paano ka nga ba nakaraos sa unti-unting pagbuhos ng mga pagsubok na tila hindi na maubos. Hindi ba't dahil nagtiwala kang lahat ay mauuwi sa maayos?

Bakit mo nga ba tinatahak ang daang mayroon ka ngayon? Hindi ba't dahil ito ang pangarap mo mula pa noon?

Balikan mo ang oras. Ang bawat minuto at segundong lumipas. Ang bawat ano, paano, at bakit na naging daan upang hindi mo sukuan ang hamon ng nakaraan.






✍🏻jasc_stories

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unsaid ThoughtsWhere stories live. Discover now