Chapter 1
___________________________________________________________
“..When was the last time you thought of me? Or have you completely erased me from your memory? I often think about where I would roam. More I do, the less I know.."
“Ma’am, andito na po tayo.” Tumigil ang sinasakyan kong kotse. Andito na pala kami sa studio ng bago kong sasalihan na dance group. Tinanggal ko yung headset ko. Pinatay ko narin yung iPod touch ko at nilagay sa kulay turquoise kong jansport na bag. Medyo malaki yung bag ko kaya kasya lahat. Andun na sa loob yung sapatos kong vans, 3 kong damit na pamalit pag katapos ng practice, towel, isang kit kung saan nakalagay yung mga personal things ko at dalawang leggings. May baon din akong 2 bote ng energy drink.
“Kuya Ace, tatawagan ko na lang po kayo pag magpapasundo na ako.” Sabi ko sa driver ko at tsaka lumabas ng kotse ko.
“Sige po Ma’am.” Umalis na sya.
Kinuha ko yung blackberry ko na cellphone sa bulsa ng kulay black kong hoodie. Dinial ko ang number ni Chai.
“Hello Chai. Andito na ako sa labas ng studio.”
“Ah ganun ba, sige. Susunduin kita.” Pagkasabi nya nun, binaba nya na yung phone. Agad namang bumukas ang pintuan.
“Best!! Halika, inaantay ka na ni Kuya Lance.” Naka ngiti nyang bati. Sobrang hpyer talaga ng bestfriend ko. Hinatak nya ako papasok sa loob. Bumungad sakin ang mga pawis na pawis na grupo. Nakapabilog sila at naka indian seat maliban sa nasa gitna nila. Isang lalaki na mukhang nasa 20+ lang ang edad. May itsura naman at mukhang magaling talaga sumayaw.
“Guys! Ito nga pala si Chloe. Bestfriend ko! At sasali na sya sa grupo natin!” Masaya nyang pagpapakilala sakin.
“Hi Chloe. I’m Lance. Tinatawag nila akong Kuya Lance pero 24 pa lang ako. Ako ang choreographer ng grupo. Nice to meet you.” Nakangiti nyang bati sakin. Sa tingin ko, 6’1 sya. Singkit. Gwapo.
“Hello. I’m Princess Chloe Sy. Just call me Chloe.” Nakangiti ko namang bati kay Kuya Lance.
“Best, may rules kasi kami dito sa grupo para sa mga bagong member.” Tinignan ko si Chai.
“What?”
“Here.” Lumapit sakin si Kuya Lance. May hawak syang bowl na may nakalagay na mga nakatuping papel. ”Bumunot ka. At kung sino ang mabunot mo, sya ang lagi mong mamasahihen every after practice.”
Ano daw? Anong klaseng rules yun?
“I know what you’re thinking. Weird no? Weird kasi si Kuya Lance e. Haha!” Oo Chai. Weird nga.
Nilapit sakin ni Kuya Lance yung bowl. Pumili naman ako at binigay kay Chai yung nabunot ko.
“Yuhno.” Tinignan ko yung buong grupo kung sino sa kanila si Yuhno pero parang kahit sila, hinahanap din si Yuhno.
“Absent na naman si Yuhno? Problemado parin.” Tinignan ko si Kuya Lance.
“Pipili ba ng bago?” Tanong ni Chai.
“Hindi. Wag na. Sya na lang ang mamasahihen ko every after practice.” Okay yun. Minsan lang pala na-attend yun e. Edi minsan lang din ako mag mamasahe. Talino ko talaga!
“Nako Best, medyo masungit yun. Keri mo?” Bulong sakin ni Chai.
“May inuurungan ba ko?” Hamon ko sa kanya.
“That’s my girl.” Sabi naman nya.
Nagpakilala lahat ng members ng grupo sakin. 15 lahat sila. Bale 17 na kasama ako at pati narin si Yuhno. Ano kayang itsura nun? Siguro gwapo kasi wala namang panget sa grupo. 7 lang kaming babae tapos 10 naman ang lalaki. Lahat sila mukhang mabait. Sobra rin silang nakakatawa kasama lalo na si Patrick. Speaking of Patrick..
“Oh, tubig.” Kinuha ko yung inaalok nyang tubig tapos nilapag ko sa tabi ko. Grabe ang pawis ko. Kakatapos lang kasi namin mag practice. Tinuruan narin nila ako ng steps.
“San ka nag-aaral?” Tanong ng katabi ko.
“Sa Westville High. Ikaw?” Binuksan ko yung tubig na binigay nya. Grabe, sarap uminom ng tubig..
“Talaga? Anong year mo na ba? At ano section mo?”
“4-B. Bakit dun ka rin ba?”
“Oo! 4-A ako. Kaya pala parang pamilyar ka. Haha!” Matalino pala ‘to e. Mahirap maka pasok sa section nila. Kelangan puro line of 9 ang grades mo at once na may line of 8 ka, laglag ka sa section namin.
Naputol ang pag-uusap namin ng biglang nagbukas ang pinto. Pumasok ang isang lalaki na hmm, gwapo. Iba yung dating nya. Ang lakas ng sex appeal.
“Sa wakas Yuhno! Dumating ka rin!” Bati ni Drake. Yung isang member ng grupo.
Ah. Sya pala si Yuhno. Ang. Swerte. Ko. Ang gwapo nya. Sya pala yung mamasahihen ko? Nako, baka mahalay ko sya ng wala sa oras.
Lumapit si Kuya Lance kasama si Yuhno. Umasta naman ako na parang wala lang kahit sobrang gwapo ni Yuhno.
“Chloe, this is Yuhno. Yuhno, she’s Chloe. Our new member.” Ngitian ko si Yuhno.
“Hi, welcome to the group.” Ngumiti sya tapos umalis na. Pupunta atang locker room. Ganun lang? Aalis na agad. Hindi pinansin ang beauty ko?! Wow ha.
Tapos na yung practice. Masaya naman kahit na hindi ko masyado nakausap si Yuhno. Parang wala rin syang gana sumayaw kanina. 6PM na rin. Nauna na si Chai kasi tinext na sya ng boyfriend nya. Ako na lang ang naiwan dito sa locker room ng girls. Ang ganda ng studio nila. Ay namin pala. Ang linis and ang luwag ng locker room. Katabi lang nito ang locker room ng boys. Ang bagal ko kasi kumilos kaya nagpaiwan na ako. Binigyan narin ako ni Kuya Lance ng duplicate ng susi ng studio.
“Megan, wala na bang pag-asa?” Napatigil ako sa pag aayos ng damit ko ng narinig ko ang boses ni Yuhno sa kabilang room.
“Naiintindihan kita sa pag iwan sa grupo. Lahat naiintindihan ko pero nasasaktan parin ako.” Umiiyak sya? Megan? Ex nya? Dating member ng grupo?
“Hello! Megan?! Hello?!!” Binabaan na siguro sya. Nakakalungkot naman. Naiintindihan ko sya. Naranasan ko narin iwan.
Pag naalala ko yung pangloloko na ginawa sakin ni Marco, pakiramdam ko nakakaawa ako. Mahuli ko ba naman silang magkahalikan. Parang mas masakit parin yung ginawa nila kahit sinampal ko na ng dalawang beses si Marco. Ilang araw din akong nagmukmok. Ngayon na nga lang ako nakipag socialize e. Thanks to Chai sa pagpapakilala at panghihikayat na bumalik ako sa pagsasayaw.
Nabitawan ko yung hawak kong bag dahilan para gumawa ng ingay. Nakarinig kasi ako ng malakas ng tunog sa kabilang kwarto. Parang nabasag na salamin. Agad akong pumunta sa locker room ng boys para silipin si Yuhno. At mas kinagulat ko ang nakita ko.
D-dugo! Puro dugo ang kamay ni Yuhno! Pakiramdam ko nanlamig ang buo kong katawan hanggang sa maging manhid ang paa ko. Pulang pula yung dugo. Ang dami! Nanlalambot yung tuhod ko. Gusto ko sana lumapit kay Yuhno para tulungan sya pero hindi ko magawa. May hemophobia ako.
“Y-yuhno..” Yun lang ang huli kong nasabi bago nag dilim ang paningin ko.
___________________________________________________________
E N D OF C H A P T E R 1
Authors Note: ”Hemophobia is the extreme and irrational fear of blood. Severe cases of this fear can cause physical reactions that are uncommon in most other fears, specifically vasovagal syncope (fainting).”
-http://en.wikipedia.org/wiki/Blood_phobia
BINABASA MO ANG
Say It Again
Teen Fiction(When will you know if you're totally moved on?) "Hindi ko alam. Pero palagi kong inaabangan ang texts at mga tawag nya. Sya lagi ang unang taong naiisip ko pagkagising ko. Hindi ko kayang hindi sya makita ng isang araw. Hindi ako mapakali pag wala...