Chapter 2

54 1 0
                                    

Chapter 2

______________________________________________________________________

Sana magustuhan ni Marco yung cookies na ni-bake ko! Napaso pa man din ako kanina sa pag be-bake nito. Sobrang effort na 'to para sa monthsary namin! Hehe. Ano kayang regalo sakin ng babe ko? 

Bakit parang ang weird ng pakiramdam ko? Parang may masamang mangyayari? Hmm. Dibale na nga lang. Binuksan ko na yung pintuan ng condo ni Marco para i-surprise sya. Pero mukhang ako ata ang na-surprise. 

S-si Marco. May kahalikan. Nabitawan ko ang box ng cookies.

"Happy monthsary..babe." Walang buhay kong sinabi. Halatang nagulat sila. Agad na lumapit sakin si Marco pero umatras ako. What a gift. 

"Kelan mo pa ko niloloko?" Naiiyak na ako pero hindi ko kelangan ipakitang mahina ako. Wow. First love? First hearbreak. Just wow. 

"Babe, let me explain.." 

Sinampal ko sya. Rinig na rinig ang lakas ng sampal ko. Namula nga ang mukha nya e. Nasaktan ko ang mahal ko. Pero di hamak na mas masakit ang ginawa nya,

"Kelan pa?!!" Sigaw ko. 

Tumungo sya. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Hindi ko alam kung kelan pa nya ako niloloko pero isa lang ang alam ko, sobrang nasasaktan ako.

"Sorry.." Aktong yayakapin nya ako pero sinampal ko ulit sya. 

Lumayo ako ng bahagya para pulutin ang box ng cookies na ni-bake ko. Lumapit ulit ako sa kanya at binigay yung box. 

"Thank you gift ko. Thank you sa pang loloko. Don't worry, walang lason yan." Tumalikod na ako. Palabas na sana ako ng pinto pero nilungon ko muna ng huling beses yung babaeng kahalikan nya. 

Nakangiti sya. Ang lakas mang asar. Tinandaan ko lahat ng ditalye ng mukha nya. 

"You win. Pero tandaan mo, may new game pa." Pagkasabi ko nun, lumabas na ako. 

Nanghihina ang tuhod ko.Sobrang sakit ng ginawa nila. Karma ba 'to? Ang pagkakatanda ko, ang pinaka huli kong ginawang masama ay nung kinain ko ng walang paalam yung carbonara na niluto ni Kuya Kevin para sa girlfriend nya. Ganun ba kasama yung ginawa ko para parusahan ako ng ganito? 

"Fck you Marco.."

"I'm not Marco." Unti unti kong naramdaman ang pag haplos sa noo ko. 

Dinilat ko ang mata ko at agad akong napaupo ng makita ko si Yuhno.

"A-anong nangyari?!" Grabe, sa lap nya ako naka-unan kanina.

"Who's Marco? Your ex?" Pano nya nakilala si MArco??

"Kilala mo si Marco?!"

"Nope. Minura mo lang naman sya sa panaginip mo." Napanaginipan ko na naman pala si Marco

"Ah. Oo. Ex ko yun." Tumayo na ako tsaka inayos yung bangs ko. 

"Teka!" Nilingon ko sya para tignan yung kamay nya. May benda na. Buti na lang wala ng dugo.

"Bakit?" Tanong nya.

"Wala. Buti wala ng dugo." 

"May hemaphobia ka?" Tumayo narin sya at lumapit sakin.

"Oo. Di ka pa uuwi?" 

"Sabay na tayo?" Kinuha nya yung bag nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Say It AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon