chapter two

14 1 0
                                    

"Uy!!" 

"Ay uwak na pink!!" 

Nandito ako ngayon sa student lounge gumagawa ng assignment/daydreaming.

 At yung nang gulat? Si james yun classmate ko/crush ko.

secret lang natin yun ah?

"himala! hindi ka ata busy ngayon?" *insert sarcastic tone*

tumabi sya sakin at tinignan kung ano ang ginagawa ko.

"pano mo naman nasabi?" tanong nya sakin.

"nandito ka ngayon eh! nakikipag-usap sakin."

masyado syang busy at marami syang org na sinalihan. siya din nga pala ang rank 1 in all levels dito sa university namin. 

3rd year college na kame.

"grabe ka naman! anong tingin mo sakin? lalapitan at kakausapin lang kita pag hindi na ako busy at kung may kailangan? hindi naman ako ganun no!"

napangiti ako sa isip ko. 

"talaga?" wala sa isip na nasabi ko.

ano yun?

"anong talaga? kuamain ka na ba?"

umiling lang ako.

"tara kain na tayo."

"saan?"

"baka sa cafeteria?"

nasabi ko na bang magaling din syang mang-alaska?

"ikaw na lang. busog pa ako."

ang totoo niyan nag-iipon ako ng pera. alam nyo na! malapit na ang araw ng mga puso at magpro-propose na ako!! oo!! ako na! ako na talaga... waaaah help me!!

"sagot kita."

"lilibre mo ko?" nakangiti kong tanong.

"hindi! papautangin kita. ano ka sinuswerte?"

nasabi ko na rin ba sa inyo na kuripot sya? pano pag naging kame na? baka ako palagi sumagot ng date namin tsk! tsk!

"hindi na busog pa ako. Nag-snack kasi ako kanina eh. At saka may ginagawa pa ako oh." tinuro ko sa kanya yung mga gamit ko.

"ok sige. mamaya na lang ako kakain. 3 hours ang vacant ko eh."

"buti ka pa. 1 hour na lang yung vacant di ko pa tapos to." ngumuso ako.

"ano ba yan?" tinignan nya yung mga gamit ko.

"batch sheet."

"sus! ang dali lang nyan eh. akin na nga tuturuan kita."

tapos kinuha nya sakin yung mga gamit ko.

pinapanood ko lang siya sa mga ginagawa nya at hindi ko naiintindihan kung ano ang mga pinagsasabi kasi nakatingin lang ako sa kanya. hayss bakit kasi ganito ka sakin? ganyan ka din ba sa iba? or sakin lang? or ako lang talaga nag-iimagine.


----------------------------------------------------------

thanks for reading! ^____^

- nics <3 <3 <3


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MODERN L♥VETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon