1 Corinthians 6:19-20
¹⁹Do you not know that your bodies are temples of the Holy Spirit, who is in you, whom you have received from God? You are not your own; ²⁰you were bought at a price. Therefore honor God with your bodies.
"Again, prepare for our outreach ha, we have three days to prepare pa naman. So, let's go team! Para kay LORD?"itinaas naman ni Bryan ang point finger nito at parang itinuro ang itaas.
"PARA KAY LORD!" hiyawan namin at nag point finger din kami sabay turo sa taas.
Pagkatapos ng meeting ay umuwi na agad kami ni Wyne.
Pagdating sa bahay ay nakatulog agad ako dulot ng pagod.
Kinaumagahan, nagising ako sa mabangong amoy ng ulam mula sa kusina. Lumabas na rin ako sa kwarto matapos mag morning prayer dahil kumukulog na ang tiyan ko sa gutom.
"Uy friend chicken!"para akong batang excited na excited matikman ang bagong luto na fried chicken na nakahain ngayon sa hapag. Si Wyne nga pala ulit ang nagluto. Ano ba secret ng lalaking 'to at ang sarap magluto. Nakikita ko sa future, hindi na siya mahihirapang suyuin ang partner niya dahil alam niya kung anong limit niya sa seasonings. Bakit kaya ayaw niya pa rin i pursue ang pagch-Chef?
Naghilamos at nagmumog muna ako bago kumain, nauna na akong kumain sa kanila dahil tulog pa sila mama at papa, si Julia naman ay nasa tindahan at nagbabantay. Habang kumakain ay naisipan kong i check ang messenger ko dahil feeling ko may something ngayong araw.
Bumungad sa news feed ko sa facebook ang post ni Jamewell.
Jame Well. "+1. Thank you JESUS ❤️". 4 hours ago.
Muntik pa akong ma samid at napa inom agad ako ng tubig. Tinitigan kong maigi ang pinost niya, picture niya ito sa simbahan, nakaupo siya roon banda sa drum ni Bryan at nakahawak sa stand ng speaker habang naka number 1 sign.
"Ang gwapo niya talaga kahit 20 years old na siya"sambit ko sa sarili.
Paano ko nalaman na 20 na siya? Inimbitahan lang naman niya ako 2 years ago nung 18th birthday rin niya, hindi ko alam kung saan siya nag birthday last year pero hindi ko naalala na nag birthday siya. At least alam ko nang April 20 ang birthday niya, may pakain kaya siya mamaya? Sana manlibre man lang siya, joke!
"Ang rupok mo talaga ate, napopogian ka na naman jan kay Lysander, tigilan mo yan ha"singit ni Wyne, hindi ko alam na nandyan pa pala siya.
"It's none of your business no, dun ka nga magluto ka!"taboy ko sa kanya at umiling iling naman siya. Hindi ko pa nababanggit sa kanya na wala na kami. I'm close with my brother, pero ang mag open up sa kanya ay never ko pang ginawa, I never show them my weakest side because I know they will imitate it too. I don't want them to be weak at anything. I never taught them to be weak.
Ibinalik ko ang atensyon ko sa cellphone ko at nag comment sa post niya.
Happy birthday Boss Jamewell. Kumento ko at sinabay ko pa ang isa niyang pic na nakapamewang. Stolen pic ito at kinuha ko ito noong camp namin, tawang tawa ako sa itsura niya. Maya-maya pa ay mabilis na nagnotif ang pag react niya sa comment ko. Nakita ko ring nakitawa rin ang iba. Mahina akong natawa at inopen ang messenger ko para batiin siya. Napansin ko ang ingay ng group chat namin kaya ito muna ang una kong binuksan.
Bryan Thieu: HAPPY BIRTHDAY KUYA JAME!🥳
Kylie Malvado: Happy birthday kuya Jamewellll! God bless you always and stay humble, patuloy ka lang sa mga ministries na binibigay ni LORD sayo nandito lang kami palagi. Mahal ka namin!

BINABASA MO ANG
Falling In Love With Mr. President
RandomAxleia Lee lived a quiet life and served the Lord. She did not seek to like anyone. Apart from putting God and his studies first, she was also not interested in anyone. Not until she met Jamewell Santiago, the President of their Youth Department. Fi...