Ayaah's POV:
Mahimbing akong natutulog nang magising sa ingay ng aking tatay at ng kaniyang kasintahan na nag-aaway. Hindi na nagbago, tuwing madaling araw na lang sila nag-aaway.
Matagal ng hiwalay ang mga magulang ko dahil nagloko si papa, kinuha ako ni papa at ang bunsong kapatid ko naman kinuha ni mama, dapat talaga kaming dalawang magkapatid ang naka'y mama ngunit hindi pumayag si papa.
Limang taon palang ang lumipas pagkatapos ng lahat na nangyari. Simula non ay kung sino-sino nalang ang kasama ni papa. Paiba-ibang babae, lahat sila ay iniiwan ni papa, hindi sila ang nang-iiwan kay papa, ewan ko ba kung ang nakita nila, siguro nga habol lang nila ang pera ni papa. Kaya hindi na 'ko magtataka kung pati hetong bago niya na limang buwan niya ng kilala ay hihiwalayan nanaman ni papa.
Mayaman si mama, sakto at may kaya lang si papa, mahal na mahal nilang dalawa ang isa't isa, ngunit nung nag-away sila ay naglasing si papa at na lamang nalang ni mama na natulog si papa sa bahay ng babae.
Kapag wala naman si papa sa bahay ay pumupunta ako kila mama. Oo 1st year na 'ko pero hindi kasi nila ako sinanay na mapag-isa, kaya hanggang ngayon hindi ko pa rin kaya manirahan mag-isa.
Bumaba ako sa hagdan upang tignan kung tungkol saan naman ngayon ang kabilang pinag-aawayan. Sumilip ako sa hagdan at nakitang pinagsasaktan ni papa ang kasintahan niya, nagulat ako ng pumunta si papa sa kusina upang kunin ang kutsilyo, ganon rin kasi ang ginawa niya kay mama noon nung nag-away sila.
Agad akong bumaba at lumabas kami ng bahay parehas kasama ang kasintahan niya. Naka pantulog lang ako, hindi ko dala ang wallet ko, buti nalang dala ko pa ang cellphone ko at tinawagan ko si mama. Nagtatago kami sa may tindahan malapit sa bahay namin, hindi pa kasi gising ang mga kapitbahay namin para pumasok kami, buti nalang ay may punong tinatabunan ang tindahan.
Habang hinihintay kong sumagot si mama ay may nakakita sa 'min. Hindi si papa ngunit pamilyar na tao, si Saichi! Yung weirdong transferree. Nakita kami ng weirdo agad tumakbo papunta sa 'min, nag jo-jogging kasi siya.
"Sungit ganda? what are you- anong ginagawa mo dito?" tanong niya na may halong pag-aalala sa kaniyang boses.
"Saichi, tulong please. Si papa, lasing siya- hindi ko na alam ang gagawin namin. Kumuha siya ng kutsilyo- tumakas lang kami!" sagot ko na para bang mababaliw na sa kaba habang naka hawak naman ang kasintahan ni papa sa aking kamay.
Hinawakan nung weirdo ang aking isa pang kamay habang isa naman niyang kamay ay nasa balikat ko, "Kenzie, calm down." he said in his gentle voice.
I took a deep breath at tumingin sa kaniya, "Please help us." sinabi ko sa kaniya.
Agad naman siyang may tinawagan habang naka hawak parin sa aking kamay, hindi nagtagal ay may itim na kotse na dumating at pumasok kami dito. Pinakalma ko ang aking tita o ang kasintahan ni papa dahil nanginginig pa rin siya. Ilang minuto ay kumalma naman na siya ng kaunti.
I sighed in relief and rested my head against the car seat, surprisingly naka hawak pa din ang weirdo sa 'kin.
"You okay?" tanong niya while he did the thumb thing sa kamay ko.
His touch was gentle, nakakakalma, I was so thankful that he came right in time or else we would've been dead or who knows? Tumango naman ako sa kanya bilang sagot ng may kasamang ngiti.
He wrapped his arms around my shoulder, at hiniga niya ang aking ulo sa kanyang balikat, "Rest, you look like you just woke up." sabi niya.
Hindi na 'ko nakatingin sa kanya, he felt warm, his touch was something, ewan ko ba, kahapon galit na galit ako sa kanya tapos ngayon, ay ewan. Hindi nagtagal ay naka tulog ako sa kanyang balikat.
Saichi's POV:
She fell asleep in my arms, sa akin balikat.I chuckled as I looked at her, I sighed kasi naiisip ko yung mga pinagdadaanan niya. I'm sure this isn't her first time na naranasan yon.
I caressed her head gently as I rested my chin on top of her head, "Don't worry, you're safe now." bulong niya.
Hindi nagtagal ay nasa mansion na agad kami, pinababa ko muna ang tita niya at binuhat ko siya pababa, papunta sa guest room, magaan lang naman siya, it's like she's meant to be in my arms hahaha.
I carried her to the guest room, pinahiga sa kama then I looked at her before I left. Pinakain ko ng almusal ang tita niya at tinext ang mga magulang ko about this. My parents went to work early in the morning, halos tuwing gabi nalang ko nalang sila nakikita, at matutulog na lang agad sila.
Ever since I was a kid, laging ganon nalang kaya hindi na 'ko nagulat. Nasanay na 'ko na puro sila trabaho. Kahit nga mag pahinga tuwing weekend at makipag bonding sa akin hindi nila nagawa. Kung hindi kasi sila nagtatrabaho ay bumibili naman kung ano-ano si mommy o kaya nasa galaan, si daddy naman nasa inuman or nasa bahay nila to check on their old house.
My whole childhood binigay naman nila lahat ng gusto ko, pero sa sobrang freedom na binigay nila sa 'kin natuto ako mabuhay mag-isa at such an early age. Only child lang ako which makes it much worse. I guess may hinihintay lang na kapalit ang diyos sa lahat ng iyon. Balak ko ng lumipat at manirahan mag-isa ngunit sabi ng mga magulang ko ay pagkatapos ko nalang daw mag kulehiyo.
Nawala ako sa isipan at bumalik sa reyalidad ng kinalabit ako ng tita ni Kenzie dahil aalis na raw siya at nag pasalamat.
"Alam po ba ni Kenzie?" tanong ko.
"Ah, no but don't worry, she'll know." sagot naman niya, "Maraming salamat ha? Pasabi nalang kay Ayaah." dagdag niya at umalis.
"Ayaah?" inulit ko, "It must her other name." dagdag ko habang kinakausap ang aking sarili at napangiti.
She actually never introduced herself kaya marami akong hindi alam sa kanya. But I know her favorite ice cream is vanilla, and she likes sunset, I'm guessing she also likes reading since lagi siyang naka tambay sa library. Napatawa ako sa aking sarili, I might not know her personal information that much but I'm starting to get to know her without her noticing.
Amazing dba? Hindi naman kami mag kaibigan pero I always notice the small things sa kanya. Funny how I always notice the smallest thing, I guess I'm just observant, pero kasi sa kanya lang ako masyadong nag oobserve. Bigla ulit akong nawala sa aking isipan at nagulat nung lumabas si Kenzie.
"Sleeping beauty is awake I see." asar ko sa kanya habang naka ngiti, hinihintay kaniyang reaksyon.
"Huwag mo 'ko aasarin, umagang umaga." sagot niya at umupo sa tabi ko.
I chuckled finding her reaction cute, "Ah nga pala, yung tita mo umalis na." dagdag ko habang nakatingin sa kanya.
"I'm not surprised." sagot niya naman.
"I'm guessing she's not your mom?" tanong ko sa kanya.
"No. She's my dad's girlfriend, pang dalawampu't isa." sagot niya naman at tumingin sa 'kin at tumawa.
"Look, I don't know what dalawampu't isa means okay?" sagot ko at tinarayan siya.
"Anak mayaman ka talaga." she mumbled then chuckled, "Sorry nga pala at naabala ka pa namin, nakakahiya tuloy sa mga magulang mo." dagdag niya which made me chuckle a bit.
"Don't worry, wala sila mommy at daddy, they're at work. And as for you, hindi kayo nakakaabala." I replied reassuringly, she looked guilty kasi.
She looked at me for a moment and nodded with a small smile on her face which made me smile as well.
"You're always free to come here you know, if wala kang ibang pupuntahan. Just make sure to text me first of course, baka akalahin nila mommy magnanakaw ka." sagot ko na may halong biro which made her roll her eyes.
"Nakawin kita tas tapon kita sa ilog." she replied teasingly.
"Hindi mo nga ako kaya, pa'no mo 'ko matatapon si ilog, hm?" asar ko sa kanya at binalikan niya naman ng hampas sa mukha.
"Aray!" sagot ko sa kanya at tinarayan siya.
"Well everybody, Mr. Oa is back." asar niya which made me chuckle.
Kahit anong gawin niya she never failed to make laugh or smile, smile like I've never smiled before. It's like there's something in her that's so special, or baka ginagayuma niya lang ako hahaha.
YOU ARE READING
"Excuse Me, Have We Met?"
Teen FictionWhat happens when a problematic girl meets a weird guy who keeps "ruining" her life 24/7. Well, this is a story about two teenagers, who learned, fought and lived. Ayaah and Saichi.