Chapter 6

32 1 0
                                    

Once we were done with drinking, we continued to sit in silence, savoring the tranquility of the night and the empty street through the window. The moment was calm and peaceful, the only sounds being our soft breaths mingling with the subtle background noises.

Or maybe she was the only one truly enjoying the calmness of the night because my mind was hazy.

Maybe it was simply my own imagination running wild, like a moment of weakness where I let my thoughts spiral out of control. Perhaps Noelle was just playing around, teasing me for her own amusement. After all, she quickly went back to drinking like nothing happened after the thing she pulled with me.

I began to doubt myself, questioning if I had read too much into her actions.

Pero sa huli ay pinili ko na lang na lang na kalimutan ang mga nangyari kanina, pinilit ko ang sarili na ituon ang atensyon sa mga sasakyan na minsan dumaan sa daan.

Nawala ang pokus ko nang tumayo siya bigla, tumingala siya upang tanawin ang oras sa wall clock na nakasabit. 2:30 AM na, hindi ko rin napansin ang mabilis na paglipas ng oras. Ayoko pa sanang umalis pero may klase pa ako bukas nang umaga.

"If you want pwede kitang ihatid, may dala 'kong kotse at madadanan ko rin naman ang dorm niyo on my way home," she offered calmly.

Magtatanong sana ako kung bakit alam niya kung saan ang dorm namin, mabuti at pumasok agad sa isip ko na hinatid niya nga pala si Cheilo kanina.

Sigurado akong malamig na ang simoy ng hangin sa labas at delikado rin na maglakad ako nang mag-isa pauwi lalo na't babae pa ako.

"Okay, thank you," I replied and she looked satisfied with my answer.

Kalaunan ay may phone na nagring, phone ito ni Noelle na nasa bulsa niya. Kinuha niya ito at tinanaw ang screen para alamin kung sino ang tumatawag, ang kalmado niyang mukha ay napalitan ng inis. Pinindot niya siguro ang end call dahil tumigil ito sa pag-ring at nawala ang liwanag sa mukha niya na mula sa screen.

Tinignan niya ako at tumango bilang senyales na aalis na kami.

Tumango ako pabalik. "Bibili lang ako saglit ng siopao."

"Parang kakakain mo lang." Nakakagat siya sa ibabang labi, nakakunot ang baba niya at tila pinipigilan niya ang sarili na magpakita ng reaksyon.

Ang mababaw at halos hindi kita niyang dimple sa pisnge ay nagpakita, naalala ko na makikita lang ito tuwing nagpipigil siya na ngumiti. Tuwang-tuwa ba siya na para akong patay gutom?

Sinamahan niya ako na kumuha ng tatlong siopao at magbayad sa cashier. Pinasok ng babae ang mga ito sa isang paper bag, nagulat na lang ako nang unahan ako ni Noelle sa pagkuha nito. Hanggang sa makalabas ng convenience store ay bibit niya ito.

Sasabihan ko na sana siya na ako na ang magbibitbit, nagtaka na lang ako nang kumuha siya ng isang siopao sa paper bag at inabot ito sa akin. Naguguluhan ko itong tinanggap, singkit ang mga mata at sinusubukang basahin ang isip niya.

Pero meron talagang pagkakataon na mahirap siyang basahin, meron ding pagkakataon na ang dali niyang basahin.

"Let me hold this for you so you can eat properly. You wanted to eat, right?" she asked, her voice soft and considerate.

I was surprised that she noticed I wanted to eat, I was not in the mood to speak so I just nodded silently in affirmation, then proceeded to unwrap my siopao, while she led me towards her parked car

It was a Toyota Vios, its color a simple yet clean shade of white. Despite not looking brand new, it didn't look quite old either. It was just a simple, common vehicle and a few minor stains around the tires.

Two Can Keep A Secret (Secrets of Seduction 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon