Chapter 3

160 10 3
                                    

"A second is enough to see everything. Just like how I saw the future in a split second that I saw you."

NAPALINGON si Brielle kay Cal dahil sa narinig. She was in pure shock. In her entire life, Brielle never heard that from her fiance. Axle doesn't want to get involved in a conversation whenever she asks about their future. At palagi lang siyang sinasabihan na 'live in the present. Hindi natin alam ang bukas.'

"Anong sabi mo?"

"Why? You want me to repeat that I fell in love at first sight with you?"

Brielle was too stunned to speak. She never saw it coming. Everything that happened tonight was beyond her expectation. Her wedding proposal, her encounter to this arrogant man, her fiance leaving her, and now a sudden confession.

"Iyan lang pala ang magpapatahimik sa 'yo, sana kanina ko pa ginawa."

Napalunok si Briella habang nakatitig kay Cal. Hindi pa rin niya mahanap ang mga tamang salita para sa lalaki. Hindi siya makapaniwala.

"Now, tell me where you live so I can go home myself at peace after dropping you off."

Tahimik lang si Brielle sa buong biyahe kahit nang makarating na sila sa tapat ng bahay niya. Brielle was still couldn't get over how this stranger confessed to her plus he kissed her. HE FUCKING KISSED HER!

Brielle cleared her throat as she decided to remove her seatbelt. "T-thank you." Hindi na niya hinintay pang magsalita si Cal, at nagmadali na siyang pumasok sa gate ng bahay niyang two-floors. It was just a simple home with a garden and a rooftop where she can relax. She is living alone in this place but her cousin, Eise, lives there when the classes starts again.

Dala ni Brielle ang kaba sa dibdib niya hanggang sa makarating siya sa loob ng kaniyang bahay. Dumeretso siya sa banyo upang maghilamos. She immediately saw her ring now flashing on her finger, but a different feeling pierced into her heart... hindi na saya kundi malaking pangamba. Paano kung malaman ng fiance niya ang paghalik sa kaniya at paghatid sa kaniya ng ibang lalaki? Lalo pa ngayong engage na siya.

She saw her reflection on the mirror in front of her. She stared at herself. Alam niyang wala siyang ginawanag masama dahil hindi siya ang lumapit o humalik sa lalaki, pero ang isiping hindi niya kinayang pigilan ang sarili ang lalong nagpadoble ng malaking guilt na nararamdaman niya.

Brielle went to her room after she took a shower and changed into her pajamas. Kinuha niya ang phone niya para tawagan ang kaniyang kaibigan na si Pi Mondalla, pero hindi nito sinagot. Sa halip ay nakatanggap siya ng mensahe mula rito.

From: 3.1416

Orient me. I'm on my way home.

-end of message-

Agad namang tumipa si Brielle ng text message para sa kaniyang kaibigan.

To: 3.1416

Yeah, right? Katabi lang naman ng bar ang hotel kung nasaan ang penthouse ninyo.

-end of message-

Walang ilang segundong nakatanggap muli ng mensahe si Brielle mula kay Pi.

From: 3.1416

I'll call you in a moment. Wait for me.

-end of message-

Napatitig na lamang si Brielle sa screen ng phone niya. "Parang hindi talaga siya ang kaibigan ko kapag sa text," sambit pa ni Brielle tsaka muling nag-type ng balitang kanina niya pa gustong sabihin sa kaibigan.

To: 3.1416

Axle proposed to me.

-end of message-

Mayamaya lang ay tumawag na si Pi. Mas mabilis pa sa alas kwatro na sinagot iyon ni Brielle.

MS1B1: Cal MondallaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon