𝐁𝐄𝐅𝐎𝐑𝐄 𝐓𝐇𝐄 '𝐃𝐀𝐘' (07/10/24)

91 18 9
                                    

Hello everyone! This is captainmprs, your host.

Maligaya akong ipaalam sa inyo na bukas na ang announcement of winners! Yey! 🎉🥳

Pero bago iyan, may ilang bagay muna akong sasabihin:

Una, hindi sabay ang pagbibigay ng feedback at announcement of winners (na magaganap bukas) kumpara sa ibang book awards. Iyon ay dahil ako lamang ang nakakaalam sa buong score sheet, sabay kayong mga judges at participants na malalaman kung sino ang magwawagi.

Ibig sabihin, gagawa sila ng feedback para sa mga winners ay bukas pa o sa susunod pa na mga araw. (Hindi kasali ang ilang judges na nagbigay na ng kanilang mga feedbacks. Thank you guys ^^)

Kung mapapansin ninyo, kasali sa 'giving of prizes' ang feedback (nakalathala sa PRIZES part ng book award).

Pangalawa, sa mga writers na hindi pa nagawa ang payments for the judges, please gawin niyo na.

Pangatlo, 'yong tungkol sa giving of prizes, uunahan ko na kayo magiging mahina ang usad no'n lalo pa't ako lamang ang gagawa sa mga iyon. However, rest assured that I won't ditch my responsibility. Sadyang hihingi lang talaga ako ng pasensiya kasi nga ayon, matagal. Hehe.

At panghuli, isinulat ko 'to para magpasalamat sa mga kalahok at lalong-lalo na sa ating hurado. Sila ang rason kung bakit natapos ang awarding na ito. Masaya ako't responsable ang mga hurado natin. ^^ Maraming salamat sa inyo! Though. . . pasensiya kung naging naggy ako nitong mga nakaraang araw. ><

Mag-aanunsyo ako bukas sa mga nanalo sa pagpatak ng alas otso ng gabi (July 11, 2024 | 08:00 PM).

Iyon lang at nawa'y malinaw ang inyong gabi. ^^

Break Your Record 2024 (CLOSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon