Kabanata 2

17 0 0
                                    

Kabanata#02

Yeshua

Lumipas ang ilang linggo, naglalapit na ang pasukan kaya sabay kaming nagpunta ni shiloa sa Luntian High School. Maaga kaming nagising para maaga rin kaming makapag-enroll upang wala nang iisipin pa ngunit yung kapatid ko talaga ang tagal matapos magpagwapo sa harap ng salamin.

Simpleng kayumangging tee shirt lang yung suot ko habang pang-ibaba naman ay isang shorts na itim na ang haba lang ay sa ibabaw nang tuhod ko habang si Hiro naman ay nakapolo na black at shorts gaya nang sakin. Gwapong gwapong ito sa sarili sa salamin, napailing nalang ako bago pumasok sa aking kwarto upang ayusin ang aking buhok.

Humarap ako salamin at sinuklay ang akong aking maiksing buhok. For sure, I will be mistaken as a guy because of my hair and physique. I'm not entirely muscular, I'm just fit because of my nonstop working on the fields and other labor works kaya isang tingin palang, pagkakamalan akong lalakk dahil sa aking pangangatawan at kung pano ako kumilos but if you could just observe closely, you can see the feminine features I have...of how I have slender legs and arms. My chest isn't that flat-chested but it appears to be not visible because I always wear sports-bra that suppress my chest and came out like I have like flat-front.

Tinitigan ko ang aking mukha sa salamin. At the age of 15, I can see the changes of my face as I am in my puberty. Due to my foreign features, my sharp jawline started to be noticeable and my low-set eyebrows, prominent nose and monolid eyes seems to fit the description of a guy, pero kung pahabain ko ang aking buhok, tiyak na hindi naako pagkakamalan na lalaki but because of the work I've been handling right now. Having a short a hair is more practical, so I don't have to struggle with it. Mabuti narin ito para hindi sagabal at hindi mabigat sa ulo.

"Mga anak! Mag agahan na kayo!", narinig kung tawag ni Mama sa kusina.

Umupo kaming dalawa ni Hiro at nilantakan ang pagkain. Ulam namin ay itlog, simabawang malunggay na may papaya, at kanin. Sabay kaming nagsalo salo sa aming maliit na mesa.

"Salamat mga anak sa pagdala saakin ng pagkain", tukoy nya sa dala naming pagkain nung kahapon.

"Wala lang yon Mama. Kapag mayaman na tayo, ikaw yung susuko sa pagkain!", sabi ni Hiro at humalakhak si mama.

Nagpaalam na kaming dalawa na umalis na. Binigyan kami nang 100 pesos ni mama, tumanggi kami pero pinilit kami ni mama na dalhin iyon dahil baka magutom kami at bilhan namin ang gusto namin. I am so blessed to have a mother  that is as self-less and responsible as her. My will to give her a better life was so much more.

Sabay kamang naglakad nang aking kapatid dahil hindi naman ganun kalayo at sementado naman yung yung dadaanin namin maliban nalang kapag daan pauwi. Hindi nagtagal, narating namin ang gate nang LHS. Gaya namin, may mga estudyante din dala dala yung mga envelope nila para magpa-enroll.

Pinagtitinginan kami ni Hiro pero pinagkibit-balikat nalang namin iyon at tinungo namin yung registrar office. Hindi na kami nagulat na maabutan ang mataas-taas na linya, mukhang maabutan talaga kami ni Hiro dito ng tanghalian dahil nagpa-pass pa nang requirements ang mga estudyante bago makakuha ng form. Mabuti nalang may cafeteria naman sila dito. Sinabihan ko si shiloa na maghintay na lamang saakin sa isang upuan sa may tabi dahil ako na ang pipila.

"Gwapo bes!"

"Mabuti nalang hindi ako pumayag kay papa sa manila mag-aral. Marami naman palang gwapo sa LHS!"

"Grabe gaganahan akong mag-aral neto araw-araw!"

My eyes almost got stuck by the back of my head. Ganyan lang ba ang pinupunta nila dito sa paaralan? Para makakita lang ng gwapo? Mabuti pa sila yun ang inaatupag.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rush Of The Wild WindWhere stories live. Discover now