Wattpad Original
Mayroong 15 pang mga libreng parte

Simula

309K 5K 219
                                    

Simula

Mr. Salcedo

"Ally, pinapatawag ka ni Sir." Tinapik ni Krissa ang balikat ko nang dumaan siya.

"Okay sige," mabilis kong sabi bago ako tumayo para nag-ayos ng mga papel sa desk ko. Naglakad ako patungo sa opisina ni Mr. Agoncillo. Pagdating ko roon, inayos ko muna ang nakahawi kong buhok bago kumatok.

"Come in!" Pagkarinig ko noon ay mabilis akong pumasok at nag-bow nang bahagya sa kanya.

"Good morning, Sir!" bati ko. Tumango siya at kinuha ang envelope na nasa desk niya.

"Good morning din, Miss Madlang-awa." Napangiwi ako at nawala ang ngiti sa labi ko nang banggitin niya ang apelyido ko. Ang baho lang kasi.

Tumikhim na lang ako at umayos ng tayo bago ako nagsalita.

"What can I do for you, Sir?" tanong ko. Tumingin siya sa akin at kumumpas na lumapit ako kaya agad ko iyong ginawa.

"May meeting ako mamaya right?" Tumango ako sa sinabi niya. Naalala kong mayroon pala siyang mahalagang meeting mamaya sa mga foreign investors ng kompanya.

"Yes, Sir! 3 p.m. to be exact."

"Okay...I want you to send these files to Salcedo Group of Companies." Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya pero maagap kong tinanggap ang file at saka iyon tiningnan.

"O-Okay, Sir, what else?"

"I want you to be my representative."

Natigilan ako sa sinabi niya at nangunot ang noo. Representative?

"Pardon, Sir?"

"I want you to have a meeting with Mr. Salcedo in my behalf. The meeting was scheduled tommorow afternoon and I want you to send the files to him personally."

"Meeting po?" Tumayo siya at pumunta sa gilid ng mesa at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Yes! I choose you because I trust you, Miss Madlang-awa. You're my secretary for almost seven years and I know your capabilities."

"Seryoso, Sir?" tanong kong muli. Ngumiti siya sa akin at nahalata ko ang kanyang katandaan dahil sa paglabas ng kulubot sa ginawa niyang pagngiti.

"Yes. I'm serious! I trust you, Allison. I'll send you their company's address. Kindly check your e-mail later."

"S-Sure, Sir!" Nag-bow ulit ako bago nagpaalam para lumabas dala ang envelope at mabilis na dumiretso sa cubicle ko.

Seriously? Ako? Representative?

Hindi ko alam kung maiiyak ako o matatawa sa sinabi ni Sir. Inaatake ako ng sobrang kaba sa sinabi niya! Never kong naisip na ako ang makikipag-meeting sa kliyente niya! Never! As in never!

To think na sa isang Salcedo pa... Sa ka-apelyido niya pa? Coincidence ba ito o ano?

Pinakatitigan ko ang envelope na iyon bago umiling at sumubsob sa desk ko. Parang may karera sa dibdib ko ngayon at kung saan-saan lumilipad ang utak ko!

Marami namang Salcedo sa mundo 'di ba? Kaya imposible. Hindi siya iyon.

Ilang oras ang lumipas at pinagtuunan ko na lang ng pansin ang mga papeles na kailangang papirmahan kay Sir. Nang saktong alas-tres na ng hapon ay agad akong tumayo para ayusin ang sarili ko.

Naglagay ako ng powder sa mukha at ng manipis na lipstick sa aking labi. Inayos ko ang blouse at ang pencil skirt na suot ko. Nagpusod din ako ng buhok bago tuluyang lumulan sa address na s-in-end sa akin ni Sir.

Agad akong pumara ng jeep at sumakay. Pwede naman akong mag-taxi but I chose not to. Sayang ang pamasahe. Ipambibili ko na lang ng pasalubong para kay Chance mamaya.

"Manong, sa tabi lang po!" Tumigil ang jeep at agad akong bumaba. Tinanaw ko ang kahabaan ng daan at kitang-kita ko sa harapan ko ang napakalaking building. May nakalagay na malalaking letra na bumubuo sa Salcedo sa taas noon.

Tiningnan ko ang daan sa kaliwa't kanan at nang masigurong walang sasakyan ay agad akong tumawid.

"Ma'am, may ID po kayo?" tanong sa akin ng guard kaya agad kong iniabot ang ID ko sa kanya. Kinuha niya ito at may sinulat sa record book bago binalik sa akin. Tumuloy ako sa loob at halos mamangha ako pagkapasok.

The place screams elegance and money at wala na akong masasabi pa. Halatang napakayaman ng mga Salcedo, isang tingin mo pa lang sa lugar.

"Excuse me, Miss, where's Mr. Salcedo's office?" magalang kong tanong sa babae sa reception. Ipinakita ko ang ID ko sa kanya na agad niyang tinanggap bago kinuha ang telepono at may kinausap.

"24th floor," sagot niya at saka binalik sa akin ang aking ID. Dumeretso na ako sa elevator.

Hindi ako mapakali sa elevator at hindi ko na naman maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko.

Yes, Allison, maraming Salcedo sa mundo! Why are you thinking na iisa sila?

Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang floor na ako kaya agad akong lumabas. Dumiretso ako sa front desk na nasa floor ding iyon.

"Excuse me, can I talk to Mr. Salcedo?" nakangiting sabi ko sa babaeng nakatalikod sa akin. Lumingon din siya agad at nginitian ako. Tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit.

"I'm sorry to say, Ma'am, but Mr. Salcedo is not here right now. May ipasasabi po ba kayo?" Tumingin ako sa orasan at nakitang mag-a-alas kuwatro na pala. Kailangan kong maibigay agad ang papeles para makauwi nang maaga. "Ahm, I need to talk to him personally, eh. Mr. Agoncillo from J&Y Corp. sent me here."

Napabilog ang bibig niya at napatango-tango sa sinabi ko. Nag-type siya sa computer sa harapan niya bago nagsalita.

"So, You're Miss Madlang-awa?" Napasimangot ako nang marinig ang apelyido ko. Tumango ako.

"Can you tell me where can I find him? Kailangan ko kasi talaga siyang personal na makausap."

"Sige, Ma'am. He's in the hospital right now. May duty raw, eh." Ngumisi pa siya sa akin at biglang parang bituin na kumislap ang mga mata.

"Oh, okay. Thank you!" Tumango siya at parang nasakop na ng alien ang imahinasyon niya.

Ano ba 'yan! Lilipat na naman ako ng ibang lugar? Nakasimangot ako habang nakasakay ng jeep papunta sa nasabing ospital. Halos ilang minuto lang naman ang naging byahe ko kaya nakarating ako agad.

"Hello, Miss, where's Mr. Salcedo? I desperately need to talk to him. I'm from J&Y Corp." Natulala sa akin saglit ang babae at nabigla pa ako nang lumaki ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.

"Madamé, artista ka ba?" Natigil ako sa sinabi niya at natawa.

"Hindi 'no!" Ngumisi ako. Tumango lang siya sa akin pero hindi nawala ang tingin niya.

"Ganda n'yo! Promise!" Napailing na lang ako.

"Salamat." Ngumiti siya sa akin at sumulyap sa gilid ko.

"Ay, Madamé, I guess hindi po pwede si Doc ngayon. Busy..."

Doc?

So, he's also a doctor? Wow.

Taking Chances (Published Under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon