KARL'S POV
Hey. Karl here. And damn! I kissed a girl that I thought was my girlfriend.FLASHBACK...
Hey malapit na malapit na ako babe. just a few more seconds.Basa ko sa text ng girlfriend ko. Naglakad na ako palabas dahil alam kong parating na sya.
Ayun! May babaeng naghihintay dun sa may pinto. Salubungin ko nga ng halik ang girlfriend ko.
Hinalikan ko sya. Dumilat ako at nakitang hindi sya si Hanna. "S-sorry miss. It's just an accident! Sorry!"
Tumakbo na ako papunta dun sa contest. Baka nandun na ang girlfriend ko. Baka dun sya pumunta.
Nagsimula na akong kumanta.
"Hello po! Meron pa po b-"
Pinigilan ko sya at nagsalita. "Can't you see I'm singing?! Can't you keep quiet?!"
Sumagot sya. "Sorry nama-" natigilan sya nang makita ako. "S-sorry."
I continued singing. I ended the song and said 'thank you'. Nasaan na kaya si Hanna? Ang tagal nya. Natpos na ako wala pa sya.
Kumanta naman yung babaeng nang-istorbo kanina.
Ang galing nya. Yung boses nya parang anghel. Ang galing talaga.
Napnganga ako hanggang sa matapos sya.
END OF FLASHBACK...
Napahaba yata ang kwento? Bakit napunta dun sa parte na napanganga ako? Seryoso? Bakit hindi ko na rin ma-control ang ulo ko?
"Okay, so as you know..." hindi na ako nakinig sa boring na matandang yun.
Hindi PA ako nakakasama sa mga panalo dahil alam na alam ko na ako ang pinakamagaling.
"And the winners ARE..."
ARE?! Ibig sabihin may ka-tie ako?!
"...Mr. Karl Castro & Ms. Jasmine Bautista! Let's give them a round of applause! May the 2 come here please?"
Gaya ng sabi nya, lumapit kami sa kanya. "You 2 will have a duet at the concert."
"WHAT?! Siguraduhin mong hindi magseselos ang girlfriend ko."
"Excuse me?! Mr. Castro, what is your rights to speak to me like that?" The old teacher asked.
"Because my friend owns this school. You better make sure na hindi magseselos ang gf ko. Understood?"
JASMINE'S POV
"Hoy! Baka kala mo mas matanda ka kay sir! Hindi porket kaibigan ka ng may ari, pwede mo nang ganyanin ang mga teachers. Dapat respetuhin mo rin sila!" I shouted. Kung kinikilig ako kanina, ngayon naiinis ako sa kanya. "Magdu-duet lang. Paano magseselos ang girlfriend mo?!""Uhm. Thank you Ms.Bautista but maari ngang magselos ang girlfriend ni Karl... You two are going to sing a love song."
"WHAT?????!!!!" we both shouted.
