Chapter 1

19 1 0
                                    

Chapter 1

I gently pat the pressed powder on my face. I pout as I put the lipstick on my lips. After getting done, I sprayed the perfume all over my body.

I looked at myself, I am wearing a white button down polo and gray slacks as our uniform. Today is our first day as freshmen. Sinabihan kami sa gc na wala pa naman daw mas’yadong gagawin dahil naghahanapan pa ng mga schedule.

And tama nga sila, nandito na ako ngayon sa Riverdale University kung saan ako pumapasok sa kursong Bachelor of Science in Psychology.

“Taray ni ackla! Parang may sariling ring light! Ang puti mo so much!” sabi ng isa sa mga magiging kaklase ko ata.

Nandito kasi ako ngayon sa CAS Building. Mag-isa ako dahil wala pa naman akong kilala or ka-close. Pansin ko kasi sa mga students dito, mukhang magkakakilala na sila siguro dahil baka dito din sila pumasok no’ng senior high.

“Naka-gluta drip ka, beh?” they asked me.

Natawa na lang ako sa mga tanong niya. I have a really fair skin, to the point na kung hindi ako maglalagay ng any lip products ay sobrang putla ng mukha ko. And nakadagdag pa ng puti sa akin ang jet black hair ko.

“Hindi, ah. Ano lang ‘to, uhm… anemic.” I joked.

Nagsitawanan ang mga kaklase ko.

“Grabe! May pang-bato ng tayo as muse!” kantyaw nila.

Mahina akong natawa. “Uso pa ba ‘yong mga ‘yon dito sa college? Ano naman ang ambag ng muse sa class officer? Ganda lang?”

Tumango naman ang mga kaklase ko at tawa nang tawa sa mga biruan namin. Nakakatuwa naman dahil kahit paano ay medyo nakakausap ko ang mga kaklase ko. Medyo nahihiya pa kasi ako at ginagamay ang environment.

Ngayon lang din kasi ako mapapalayo sa parents ko. Nagdodorm ako dito sa katabi lang ng university. Ito lang kasi ang university na nakapasok ako bilang psychology. Even though nakapasa ako sa other big universities, pero hindi ko naman gusto ang napili kong kurso roon.

Psychology… ito talaga ang gusto ko noon pa. At ayokong ipilit ang sarili ko sa isang course na alam kong hindi para sa akin, kaya naman mas pinili kong mapalayo sa parents ko.

Our first day was very plain and empty. Walang orientation dahil naghahanapan kami ng prof. So, ang first day na nangyari ay naghanapan lang ng prof at walang klaseng naganap.

Pauwi pa lang sana ako nang maisipan kong magtungo sa isang coffee shop. Damn. I really can’t live without coffee.

I feel like I will die if I have no coffee for a day.

Kahit pa na lagi akong inaacid at nagpa-palpitate, ay go pa rin ako sa iced coffee.

Sakto kasing may malapit na coffee shop sa tapat ng school namin kaya agad akong nagtungo roon. In fairness, I like the ambiance. Ito ang mga gusto ko. I could even smell the aroma of the coffee.

Kaya naman agad akong nilabas ang Iphone 14 pro max ko para picturan ang ambiance ng coffee shop bago umorder.

“One caramel macchiato, pls,” I told the barista.

Tumango naman agad ito sa’kin. He was wearing a barista uniform and a cap, that’s why I could’t see his face, but he’s wearing our school ID.

“Ohh, dito ka rin napasok?” hindi ko maiwasang tanong sa kanya.

It was never hard for me to communicate. Ganito na ako kahit noong senior high school days. Na-realize ko kasi na wala akong mapapala kung uunahin ko ang hiya ko.

Serenade of FateWhere stories live. Discover now