Chapter 2
“Omg! Ang dami nating customers! Ang haba ng pila! Isa isa lang, ho! Lahat kayo mabibigyan ng ayuda!” sabi ni Ayah.
Napasilip ako sa bintana ng dorm namin. Napaawang ang labi ko nang makitang ang daming nagpaprint na mga estudyante kaya nagmamadali na kami sa pagkilos.
Two weeks have passed since I had interaction with that hoodie guy. Start na rin ng discussion sa amin ng mga prof. Minsan na lang ako pumunta sa coffee shop dahil na-busy na rin, at napansin kong iba na rin ang barista nila.
Vacant namin ngayon kaya nandito ako sa dorm, nag aasikaso sa mga students na nagpapaprint.
“Ang ganda mo naman, miss! Anong pangalan mo?”
“Shet! Kung gan’to ba naman kaganda ‘yong nagpiprint, talagang aaraw arawin ko rito!”
“Miss, can I get your number?”
Napailing na lang si Ayah habang pinagtatawanan ako dahil ako ang tinutukoy ng mga lalaki na nagpapaprint. Nagkibit balikat lang ako. Not interested in them.
Kaya lang, isang pigura ng lalaki ang agad kong napansin na susunod na magpapaprint.
Si hoodie guy!
“Can I get your facebook name?” he asked.
Napaturo ako sa sarili ko. Omg? What is the meaning of this? Tinatanong niya ang facebook ko? Bet niya ba ako? Wait, ha, hindi ako ready.
Tumikhim ako. “Well, interested ka ba—”
“Doon ko isisend ang ipapaprint ko,”
Natigilan ako sa malamig niyang tugon.
“Ah…” napahiya ako ro’n, punyeta. “Shaquiera Chyna Barcenas ang name ko sa facebook.”
Tumango lang siya at agad na may tinipa sa phone. Kalaunan ay agad na nag-notif ang phone ko dahil sa isang message request.
Stanley Chadeon Verdaluza sent a photo.
Stanley… that’s his name, huh?
Matapos kong maprint ang kanya ay agad ko ‘yong inabot sa kanya.
“Wait!” utas ko bago siya tuluyang umalis.
He just looked at me with his cold stare.
“Hindi ka na nagwowork do’n sa coffee shop?”
“Once a week na lang,” sagot nito.
I nodded. “Okay! Mas masarap kasi ‘yong coffee nila kapag ikaw yung barista. Napansin ko lang…”
Totoo naman. No’ng iba na kasi ang barista nila, napansin kong medyo tumabang ang coffee nila kaya medyo nawalan na ako ng gana na pumunta roon.
“Tuwing… thursday na lang ako nandoon.” sagot nito.
Tumaas ang isang kilay ko. In fairness, ha! May improvement naman sa sagot niya sa’kin, hindi na siya gaya ng dati na sobrang ikli at tamlay sumagot.
“Okay! Then every thursday na lang ako pupunta doon.”
Hindi ko alam kung ako lang nakapansin, but I noticed that his ears got red a bit.
Cute.
May class na ulit kami kaya nagmamadali akong makapasok sa school. Ang lapit na nga ng dorm na tinutuluyan ko, pero lagi pa rin akong late!
Napadaan ako sa CHMT Building at agad na nakita roon si Stanley na nakaupo lang sa tapat ng room, inaabangan na matapos ang ibang student sa loob.
“Anong gusto n’yong salihang mga orgs? Ako, parang gusto ko sa journalism!” sabi ni Yassi.
YOU ARE READING
Serenade of Fate
RomanceShaquiera Chyna is the vibrant social butterfly of her university. She is known for her friendly demeanor and fearless approach to life, she has built a successful reputation both academically and socially. Shaquiera has a deep love for the band "Do...