Love Triangle

76 1 0
                                    



Nung nakaraan, romantiko ang paghalik ng mga ulan sa lupa...

Ewan ko ba, bigla na lang naging broken-hearted ang panahon.


Nawala lang si Haring Araw, umiyak na ang mga ulap.

Walang tigil ang kanilang pag- ngawa.

Hanggang sa tuluyan ng bumaha.


Madalas na natin naririnig ang sinasabi ni Lupa kay Ulan:


Lupa: Ulan ka ba?

Ulan: Bakit?

Lupa: Kasi, sa ayaw mo o sa gusto, sa akin pa rin ang bagsak mo.


Sumagot din si Ulan.


Ulan: Lupa ka ba?

Lupa: Bakit?

Ulan: Kasi, kaya kong lisanin ang langit, mahagkan ka lang kahit saglit.


Ngunit biglang dumating si Hangin.

Na kay Ulan ay may lihim na pagtingin.


Sumigaw si Hangin kay Ulan.


Hangin: Ulan! Ulan!

Ulan: Bakit?

Hangin: Hagkan mo man si Lupa ng ilang ulit, yayakapin pa rin kita ng kay higpit.


Boom.



---

Yan ang dahilan kung bakit may Bagyo.

Dahil sa love triangle nila.

Haha.


---


Broken-hearted ang panahon ngayon.

Dahil sa bagyong Falcon


Incomplete MASTERPIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon