Yung sa bawat araw
Pilit mong
Ikinakaila
ang nararamdaman mo
Para sa kanya
Yung sa bawat tamis ng ngiti mo
Pinipigilan mong masanay
Na siya ang dahilan
Kung bakit masaya ka
Yung sa bawat gabi
Na di ka makatulog
Hanggat di siya nagtext ng 'Good night'
At di mapakali kapag
Di siya nagpaparamdam.
Yung sa bawat sandali
Gusto mo siyang makasama
Pero alam mo namang
Wala siyang panahon sayo
Dahil busy siya sa iba.
Yung unti unti,
Nahuhulog ka na sa kanya
Habang pilit mong kinukumbinsi ang sarili mo
Na kalimutan na lang siya
At ang nararamdaman mo
Upang hindi ka lubusang masaktan.
Patay-malisya ka na lang
Sa pag-ibig na ikaw lang ang nakakaalam.
BINABASA MO ANG
Incomplete MASTERPIECE
Puisi"Paano mo makikita ang taong para sayo, kung naghihintay ka lang dyan?" "Pagod na ako maghanap. Maghihintay na lang ako. Baka kasi habang hinahanap ko siya, hinahanap niya rin ako. Eh di nagkasalisihan lang kami!:)" --- Kung trip mong maging cheesy...