May Amats Na!

19 0 0
                                    

Kung...

alak ka man...


Pikit-mata kong tutunggain

at lulunukin

ang pait

ng kabiguan

sa isang tagay

ng pag-ibig mo.


Mainit man itong

dadaan

sa aking lalamunan,

pilit kong nananamnamin

ang nakakalasing

na lasa

ng iyong pagnanasa...


Magkaroon man ako

ng amats sa pilit kong

inerereserbang damdamin sa'yo,

lakas-loob kong isisigaw

kung gaano kita kamahal!


Masapak man ako ng gago

Uubusin ko ang laman ng bote

di ko hahayaang maagaw ng iba

ang tagay ko...


Umiyak man ako sa kabiguan,

Mamula man ang pisngi ko pag nakita ka...

Sa namumungay kong mata,

at umiinit na pakiramdam...

sa nanlalabo kong paningin,

mahilo man ako...

alam ko,

ito ang Tama! - parang Redhorse lang!

at sa puso ko,

para kang Tanduay-

laging Number 1!



tara, shot pa more!

:)

Incomplete MASTERPIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon