Bag
I was speechless when he looked at me even though hindi nya naman ako kinakausap, para bang sinasabi ng sarili ko na mag salita ako. Kaya hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko napahinto pa ako sa pag lalakad at ganun rin sila Zaya at Zeiah. Hindi ko malaman kung san ba ako titingin kasi na coconscious ako dahil sa tingin nya.
Ano naman sasabihin ko?
Hi? Hello? Goodmorning? Sorry?
Para naman akong ewan nito. Pero parang may gustong sabihin ang bibig ko pero hindi ko malaman kung ano yun. Ano naman ang kailangan kong sabihin sa kanya? Argh!
Bakit din naman kasi ganyan sya kung makatingin, may nagawa ba akong masama sakanya? Ayy syempre Via muntik mo lang naman sya halikan kagabi!
Eh hindi rin naman sya tumutol ah?!
Ohh diba naaaning na akong kinakausap ko na sarili ko. Haysh.
Sorry nalang kaya syempre balak ko syang halikan na buti nalang at hindi talaga iyon natuloy.
Pero sayang. Ay ang landi potek!
Magsasalita na sana ako kaso basta nalang nito kaming daanan na parang wala lang kaya natuptop ang bibig ko at naiwan ang tingin kung nasan sila kanina ng kausap nyang lalaki.
Ang sungit ah. Inisnob ba naman ang ganda ko.
"Ay, dinedma ka ante" sabi ni Zaya after ng ilang minuto
"T-tara na baka malate na tayo" aya ni Zeiah kaya napabalik ako sa katinuan
Habang naglalakad ay hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina.
He was looking at me like nothing happened. I mean yes, nothing happened but what I mean is that he doesn't know me. Well basically he really doesn't know me. Argh. Basta you know what I mean gets nyo na siguro yun.
Napahinto ako sa pinto ng aking classroom at buti nalang wala pa ako prof namin. Kaya umupo na ako sa upuan na bandang harapan lang and as usual wla aparin akong kakilala or familiar man lang. Maya maya lang ay dumating na ang prof at nabusy na kami.
Natapos ang klase ko at ngayon ay papunta na ako sa last subject ko today, I feel so tired wala naman kaming ginawa puro introductions lang ng sarili, ng profs, and ng mismong subject pero napagod parin ako. Siguro dahil sa puyat at kulang ang tulog ko.
Nakaupo na ako ngayon sa upuan bandang harapan at naririnig ko ang usapan ng mga students na babae na nasa likod ko lang, tho bumubulog lang sila but I still can hear what they are talking about.
"Pam, have you heard that we have a handsome blockmate?" saad ng isa
"Really? mukhang magiging masipag na naman ako this school year ah." natatawang saad nung Pam siguro
"Oo gaga, ako rin" tapos sabay silang nag hagikgikan.
Napailing nalang ako sa narinig at hindi na pinakinggan pa ang pag uusapan pa nila. Mga 5 mins pa ay dumating na ang prof at ganun parin ang ginawa namin. Ako na ang magpapakilala nang biglang may kumatok sa door ng room namin kaya napatingin lang dun, tho nakasarado yun kaya hindi pa namin nakikita kung sino ang kumakatok pero dahil sa maliit na glass sa door ay makikita mo talagang matao dun.
Mukhang lalaki dahil sa buhok na masisilip mo dun sa glass.
Nakarinig ako ng mga impit na tili mula sa likod kaya napalingon ako sa kanila, at sila yung naririnig kong nag uusap kanina nag hahampasan pa silang dalawa.
"Ayan na sya" mahinang saad nung katabi nung Pam
"I'm sorry I'm late Sir." saad ng isang lalaki at buong buo ang boses nito kaya napalingon ako dun sa lalaking nasa pintuan.