Tatay ng Girlfriend Ko (Part 1)

1.8K 37 1
                                    

“Hello Hon, busy ka ba?” tanong ng girlfriend ko.

Long distance ang relationship namin ng girlfriend ko of 4 years kaya madalas sa telepono na lang kami nag-uusap.

Tubong Concepcion, Tarlac sya, ako naman sa Mabalacat, Pampanga.

Magkaibang probinsya pero magkatabi lang ung lugar namin.

Parehong maganda na ang positions namin sa mga trabaho namin kaya naman di maiiwasan na magkalayo kami. Senior manager na ako sa isang BPO sa Makati. Ayos din naman ang trabaho nya sa Clark Development Corp.

Nakatira sya sa kanila at ako naman eh nagrerent ng isang studio apartment sa Makati. Napagkasunduan namin na uuwi ako at least twice a month. Dalawang taon na kami sa ganitong set up at so far, ayos naman. Kailangan lang talaga ng effort sa part naming dalawa.

“Okay lang naman. Maaga ka napatawag ngayon hon? May problema ba?” Tanong ko. Usually kasi after lunch sya tumatawag, aside sa text nya sa umaga pag aalis na sya ng bahay papasok.

“Hmm, wala naman. May itatanong lang sana.” Sagot nya na medyo naglalambing.

Kilala ko na ung boses na un. Pag me kailangan sya or may favor, nagiging malambing ang boses nya.

“Sabihin mo na hon, ano un? Wag mo na ako bitinin. Alam mong ayaw ko ang nabibitin.” Mahina at medyo pilyo kong sagot.

“Ano ka ba? Baka mamaya may makarinig sayo dyan.”

Tumawa lang ako ng malakas. Sarap talaga biruin ng mahal ko.

“Hon, si tatay kasi niyayang bumalik sa barko ng kaibigan nya. Eh naiinip na din sya saka parang gusto nya pa, kaya pumayag na sya.” Sabi ng girlfriend ko sa telepono.

“Oh, ano naman problema dun hon? Bata pa naman si tito ah. 54 ba? Kung kaya pa naman nya, ayos lang yan. Wala naman sya ginagawa sa bahay. At least magiging productive pa sya, saka kikita pa.” Sagot ko naman.

Solong anak ang girlfriend ko. Namatay ung nanay nya nung bata pa lang sya pero di na ulit nakapag asawa ang tatay nya. Binuhos nito ang oras sa anak at sa trabaho bilang chef sa isang barko. Walong buwan sa isang taon eh asa barko sya, apat na buwan naman pag namalagi sya sa Pinas pag umuuwi.

“Wala naman talaga problema hon. Kaso may mga kailangan sya ayusin sa mga papers nya. Baka pwede sya mag stay dyan sayo kahit ilang araw lang. Kesa sa magbyahe pa sya araw araw.” Pakiusap ng girlfriend ko.

Wala namang kaso sakin. Kaso maliit ung lugar ko.

“Ayos lang naman. Pero hon, sabihan mo na lang sya na maliit lang ung nirerentahan ko ah. Saka isang kama lang yun.”

“Oo naman. Di naman maarte si tatay. Di rin malikot matulog.”

“Kelan sya punta dito?”

“Sa Linggo daw. Bigay ko address sa kanya. Di naman sya mawawala.”

Nagkaayos na nga kami na sa Linggo ang dating ng tatay nya. Meron pa akong tatlong araw para maglinis. Dami ko pa namang ginagawa. Naisip ko na lang na at least baka maipagluto pa nya ako ng masarap na pagkain. Umay na ako sa fastfood at sa karinderya sa baba eh. Hehe

Dumaan lang ung mga araw na di rin ako nakapag linis. Pag dating ng Sabado, 7pm na din ako nakauwi. Kahit pagod, pinilit kong mag ayos ng konti. Nakakahiya naman kasi kung daratnan ng tatay ng girlfriend ko na magulo ang apartment. After eh kumain na muna ako.

Nang bumalik ako, dun ko lang na appreciate ang ginawa ko. Malinis na. Nag spray pa ako ng lysol para bumango. Di na nakakahiya bukas pag dating ni tito. Naglabas na lang ako ng isa pang twalya at kumot. Naisip ko na sana di kami mahirapan sa iisang kama.

Tatay ng Girlfriend KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon