Tatay ng Girlfriend Ko (Part 3)

919 21 2
                                    




After namin magpahinga, umalis nadin kami at nagpunta ng mall.

“Sayang ano, hindi nakasama si tatay. Never pa tayong lumabas tatlo na magkakasame eh. Eto na sana yun.” Malungkot na sabi ng girlfriend ko.

“Oo nga, sayang. Though nakalabas naman kami ni tito one time. Umikot lang sa mall tapos may binili lang sya then umuwi na. Busy sa work kaya hindi kami nakakalabas. Si tito dami din inaayos sa pag alis nya” pero sa loob ko, good thing na wala si tito. Awkward pag nagkataon.

Umikot lang kami sa mall, nanood ng sine, kumain sa labas. Nag text kasi si tito na gagabihin sya kaya sa labas na kami kumain. Naghinala ako na siguro iniiwasan din nya ang sitwasyon. Naisip ko, tama na siguro to. 10:30 na ng makauwi kami dahil na din sa traffic.

Kaaakyat lang namin sa apartment ng dumating naman si tito.

“Oh kauuwi nyo lang ba? Sobrang traffic.”

“Mano po tay, opo, kauuwi lang namin. Kumusta naman po ang lakad nyo?”

Lumapit din ako at nagmano.

“Okay naman. Kwentuhan lang, kain sa labas, konting inom. Hinatid lang din ako dito dahil sa QC pa kami nagpunta. Traffic pala kahit sabado.”

“Wala na pong oras ang traffic ngayon.” Sagot ko lang, pero napaisip ako. Sino kasama nya? Ang tagal naman nila nagkasama.

“Sayang naman tay hindi kau nakasama. Sana naman nakalabas tayong tatlo.” nanghihinayang na sabi ng girlfriend ko.

“Pasensya na, dapat pala kinancel ko na lakad ko. Nagkayayaan kasi lumabas.”

“Naku tay, okay lang un. Kailangan nyo din naman magsaya paminsan minsan. May next time pa naman.”

Nakaakap ang girlfriend ko kay tito at kami naman ni tito ay nagkatinginan.

Siguro pareho namin iniisip how to get by na magkakasama kami.

Kahit gabi na, ang tagal pa din namin nag kwentuhan. Pero di ako natigil sa kaiisip, sino kasama ni tito ng buong araw?

“Tito, sa kama na po kayo matulog. Ako po sa sofa na lang. Para mas makapag pahinga kau.” Nang nag aayos na kami.

“Ah hindi na, okay lang ako dyan.”

“Hindi na po tito. Ayos lang po talaga.” Pagpupumilit ko hanggang pumayag sya.



Hindi rin ako nakatulog after non sa kakaisip kay tito. Nakaramdam ako ng selos sa kung sino man ang kasama nya. Pero medyo guminhawa din ang pakiramdam ko kasi naging maayos ang buong araw.

7am nang ihatid ko ang girlfriend ko sa bus station.Nagsabi din ako kay tito na may dadaanan ako sa opisina kaya hindi ako makakauwi agad.

Pero paghatid sa girlfriend ko, dun ko lang namalayan na naiwan ko pala ang ID ko, isa pa, tinamad na din ako kaya umuwi na lang ako.

Pagdating sa apartment, may isang sasakyan na nakapark sa tapat na hindi ko naman pinansin.

Pag akyat ko, may sapatos na naiwan sa labas ng pinto. Parang di naman yun kay tito at nasabihan ko na din sya na di nya kailangan maghubad ng sapatos sa loob. May bisita kaya kami?

Binuksan ko ang pinto at dinatnan ang isang lalaki na kaedaran ni tito ang nakaupo sa may sofa na tinulugan ko. Naka maong pants lang ito, plain shirt, snickers at baseball cap. May hitsura din ang lalaki pero mas moreno ng kaunti kay tito.

Sakto naman ang labas ni tito sa banyo na nakatapis lang at halatang bagong ligo. Nagulat ako sa ayos niya pero parang bale wala lang sa kanya.

“Oh iho, ang aga mo dumating? Akala ko mamaya ka pa?” Tanong nya na medyo nagtataka.

Tatay ng Girlfriend KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon