Kaka-tapos ko lang i-check ang pasyente ko, papunta na ako sa office sa Penta, dito kaming anim sa iisang office room pero malaki talaga ang space ng loob kasya kaming anim actually hindi nga ako makapaniwala ng sabihin ni Dr. Revillas na leader sa aming Penta Team na mapapabilang ako sa Penta at ang sabi lang nya maganda ang naging performance ko, ang saya ko nung time na yun
Pagbukas ko ng pinto ay agad tumambad sa akin ang mag-kambal na si Yara at Yana at si Kleo, Lesley, at si Harold, lumingon kaagad sila sa akin
"Oh andyan ka na pala, kamusta ang pasyente mong na-overdose sa asukar?" Tanong pa ni Yana na ikinatawa na man nilang apat, yan yung endearment nila sa babaeng pasyente ko "Overdose sa asukar" eh kasi naman tumatawa-tawa kasi ito mag-isa atsaka bibigkasin ang "sugar" ewan ko ba kung bakit, feeling ko tuloy may sugar daddy ito noon nung hindi pa sya nagkaroon ng sakit sa utak
"Nag-improve naman sya, hindi na din sya nagsasalita ng sugar." Ani ko atsaka pabagsak na umupo sa swivel chair ko
"Buti naman" si Kleo
"So guys anong gusto nyong foodie?" Si Lesley
"Kahit ano basta masarap" si Harold
"Agree" si Yana
"Me too" si Yara
"Me three" si Kleo
"Me four" ani ko
Lumabas na si Lesley at nagkwentuhan lang din kaming lima
About sa mga patient namin, love life, problems, syempre hindi mawawala ang tawanan naming magbabarkada.
Akalain mo yun tambay lang kami sa kanto ngayon pare-pareho na kaming mga psychiatrist nurseActually nakilala ko sila when I was 18 years old, sa bukiran ako nakatira kasama si lola parya, miss ko na tuloy si lola, yung mga magulang ko naman ang sabi ni lola patay na raw sila dahil nasagasaan sila ng sasakyan at yun na nga si lola na ang nag-alaga sa akin,pero bakit hindi ko medyo kamukha si lola? I mean yung mata ko ay may pagka-blue, marami ring nagsasabi mukha akong foreigner, tinanong ko naman si lola tungkol doon at ang sabi nya ipinaglihi daw ako sa mga foreigner noon ni ina
"Let's eat madlang people!!" Sigaw ni Lesley nang maka-pasok sya dito, pumila na kami sakanya at bumili nang makakain ganun talaga walang libre-libre dito mukhang manglilibre lang kami kung sahod na namin.
Pagkatapos naming kumain ay nagligpit na rin kami.
"Uhh I'm full" Hinimas-himas pa ni Harold ang tyan nya habang nakasandal sya sa couch
"Ako rin"Tumabi na man si Lesley Kay Harold and just a second? Para na silang aso't pusa, nagbabangayan sila kung sino ang matakaw sa kanilang dalawa eh pareho naman silang matakaw eh, napailing-iling na lang ako.
Naramdaman kong may tumabi sa akin at nakita ko na man si Yana na nasa kaliwa ko at sa kanan ay si Yara nakasandal ang ulo nilang dalawa sa balikat ko and naramdaman ko na lang na humi-hilik na sila, pagod talaga sila sa trabaho pati na ako.
"Guys magligpit na tayo, we only have 20 minutes left, lapit na out natin."Ani pa ni Kleo kaya napatingin ako sa relo ko, malapit nang mag 12:00 am yun kasi ang out namin at ang oras na ay 11:40 am, and 11:00 am narin kami nakaka-kain sa halip na 10:00 am sobrang busy kasi namin at hindi snack na ang kinakain namin eh sa gutom na kami need na namin ng heavy meal.
Tinapik-tapik ko ang balikat ng kambal, nagising naman sila sa ginawa ko at tinanong pa ako gamit sakanilang tingin na bakit ko raw sila ginising.
"Lapit na out natin" simple kong sagot at nagligpit na. Sabay-sabay kami lumabas ng anim ng tumungtong ang tanghalian
May mga taong tumitigin sa amin and oh yung mga lalaki naman napapanganga pa sila kung makikita ako ang iba ay kikindat at ito na mang lima ay itatago kaagad ako, napapangiti na lang ako para narin kasi kaming magkakapatid at itinuturi nila akong bunso.
Sapat na sa akin na nandito sila at handa akong proteksiyonan, masaya ako na kahit hindi ko sila kadugo, itinuturi parin nila akong ganun.
Hara Alena Sycienrie
YOU ARE READING
His Obsessed
RomanceObsessive-compulsive disorder or OCD is a mental and behavioral disorder in which an individual has intrusive thoughts and feels the need to perform certain routines repeatedly to relieve the distress caused by the obsession, to the extent where it...