Chapter 1

4 0 0
                                    

Kumalma ang diwa ko ng mga sumunod na araw. Nakapaghanap ng trabaho si papa sa hindi kalayuan. Narinig ko kay lola na nag-offer sila Tito Regimio sa kaniya ngunit madiin niya itong tinanggihan. Hindi ko alam kung anong susunod nilang plano patungkol sa lupa. Maayos rin ang naging simula namin ni Julius sa paaralan. Isa lang naman ang high school sa La Terria, may kalakihan ito, which I did not expect kasi inaakala ko ay one-building school ang dadatnan ko. Nadagdagan na raw kasi ang mga estudyante dito sa La Terria kaya mas nagdagdag ng budget ang LGU sa mga paaralan.

Masasarap ang umaga namin araw-araw bago pumasok sa school. Tulog si Papa palagi bago kami umalis, at disoras na ng gabi umuwi dahil sa oras ng trabaho. Kahit sabado't linggo ay wala siya, hindi dahil sa trabaho, hinuha namin ni lola ay sumasama siya sa mga kababata niya para magsugal sa Virac. Tuwing magigising ako ay gising na si lola at Juls, may timpladong kape na sa lamesa at malamig ang simoy ng hangin. Lilingon ako sa malaking bintana habang hila-hila ko ang aking kumot. Hindi ako umiinom ng kape kaya ang mainit na tsokolate ang tinitimpla sa akin ni lola. Meron siyang nakukuhang cocoa sa aming kapitbahay kaya wala na akong natikman na kasing linamnam. Iinumin ko iyon sa may lababo, pinapanood ikalat ng araw ang mga sinag niya sa sanlibutan. Pagkatapos ay kakanta na ang mga ibon at unti-unting mawawala ang hamog na kumot ng mga bundok kinagabihan.

"Therese,'di ba?"

Lumingon ako sa aking kanan at binati ng tingin ang isang babae. Kaklase ko.

"Marielle." Naglahad siya ng kamay sa akin.

"Themy." Ganti ko. Ngumiti siya sa akin nang dumaan ang hangin sa aming pagitan, pinapatikim ang pagkakaibigan na pagsasaluhan namin ng mahabang panahon.

"Narinig ko kung paano ka mag-introduce last week, ang lambot ng boses pero super clear!"

"Thank you, kinakabahan nga ako e."

Singkit ang mga mata ni Marielle, mahinhin ang kaniyang mga boses ngunit punong-puno iyong ng pakikipagkaibigan. Napansin ko na siya last week pa dahil sa kaniyang mala-bulong na boses, I see that she is trying to fit me in. Her skin has light complexion and her hips are noticeable in our navy blue pencil cut skirt. Napanguso ako sa akin. My hips are not as prominent as hers, but I swear, it's promising.

"Ano binabasa mo?" Turo niya sa librong hawak ko.

"Ah, it's a memoir."

"May papakita ako sa iyo na reading spot mamayang uwian, malapit sa talampas."

Nagusap kami hanggang matapos ang lunch tungkol sa mga librong binabasa niya. We discovered how we both knew this author and we spent the last remaining minutes talking about her. Inaya niya akong tumayo at lumipat sa ibang upuan.

"Guys, si Themy, galing siyang Manila."

"Hi, Themy!" Her friends greeted me. They all introduced themselves and told jokes about Marielle. We spent the next minutes just joking around and sharing our sentiments.

"Kayninong anak ka?" One of us in the group asked me.

"Si Pedrino? Anak ni Helena..."

"Ahh, 'yung anak nila Lola Helen. Mga Evangelista." Tumango-tango sila. The community here in La Terria is close-knitt, I never had any situation na kilala kaagad nila ang pamilya ko.

I explained to them why we transferred. Given the recent circumstances and how this placed enveloped us, I have high hopes na matutupad ang pangarap ko na mas umayos ang buhay namin. Sana ay maayos agad ang hindi nila pagkakaintindihan sa lupa, sana magpakumbaba si papa, gusto kong gumising araw-araw sa paraan na nangyayari ngayon. I feel at ease around the greens.

Nakangiti akong umuwi sa bahay. Naroon si lola, nagdidilig ng halaman.

"Wala pa po si Juls?" Pagaalala ko. Nagchat kasi siya sa akin kanina na mauna na ako if uuwi na dahil may nag-aya raw sa kaninya. Pareho kaming medyo nahuli sa paguwi kaya ineexpect ko na narito na siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Breeze of Love (La Terria Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon