Tuwing titingin ako sa mga ulap, ang tangi ko lamang naiisip ay kung anong pakiramdam ng paglipad. Paano kung maging isa kaming ng simoy ng hangin? Hahampas sa puno, dadapo sa mga ibon, aabutin ang rurok ng matayog na bundok, at kakandong sa itaas upang mamahinga.
Nagpapahinga ba ang amihan kung araw-araw ay dama natin ito sa paligid natin? Ligid sa ating kaalaman at nagpapatunay sa mga hinuhunang totoo.
Kapag nasa rurok ka ng tanawin, ang hangin ay yayakap sa'yo at pupurihin ka sa tagumpay. Samantala, kung hinukayan ka ng kalugmukan, dadampi ang hangin sa balat mo at itatakda ang anumang masalimuot na nagdaan... palaging magpapaalala.
Sabi ng namayapang ina ng nanay ko, ang hangin ay minsa'y nagsasalita, makinig raw tayo.
Kaya pinaubaya ko na lamang sa ihip nang malaman kong dadalhin kami nito sa lugar na hindi ko naman kinagisnan. Malayo, mataas, hindi ko posibleng maabot.
Tinanaw naming magkapatid ang berdeng bukirin ng probinsya ng aking ama. Tahimik siyang humihiyaw sa pagkamangha, ako naman ay natutop sa aking sarili sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nilalandas namin ang daanan patungo sa bagong simula, sinalubong ng mga kapaligirang may mahabang buhay na kagandahan. Bigla ay nakaramdam ako ng pananabik sa buhay sa gitna ng lambak. Sa papawirin ay mga ibon na nagsisiyahan habang tinutungo ang himpapawid sa harapan ng gintong langit.
"Mga apo ko!"
Ang mga mapagkumbabang bisig ni Lola Helen ay sinalubong kami. Mahigit 18 hours kaming bumiyahe mula Manila patungo sa Catanduanes kaya kahit ay masigla pa naman, hindi namin mawari ang pagod. Mahigpit na niyakap Julius si Lola, pareho lamang nanabik.
"Hi po, Lola Helen!"
"Themy, apo ko. Kumusta ka na?" Hinaplos niya ang itim kong buhok na sinusunod ang kurba ng nalagas na dahon.
Iginiya niya kami papasok sa magiging tahanan namin. Nilingon ko si Papa sa likuran, inaayos niya ang mga pasong natumba malapit sa gate.
I can't explain how comforting it is na humigop ng sabaw pagkatapos ng mahabang biyahe. Nagkakamustahan sila Papa at Lola Helen habang tuloy-tuloy ang paghigop naming magkapatid. Pagupo pa lamang sa hapag ay hindi ko na maiwasang maakit sa malaking bintana ni Lola Helen sa kusina. Tanaw na tanaw namin ang bulubundukin.
"Ano na ang plano niyo sa lupain, Pedrino? Hindi ba ang sabi mo ay gusto mong dito na kayo manirahan at pagkakitaan ang lupain?" Tumayo ako at dumiretso sa lababo para hugasan ang aking pinagkainan. I stared at the view, it feels like the wind wants to take me away.
Malaki ang bintana, kitang-kita ang kalawakan ng lugar. Simple lang ang bahay ni Lola Helen ngunit alam ko na ilang bagyo na ang pinagdaanan nito ngunit narito pa rin. Sa labas ng bahay ay may malawak na hardin. Maraming bulaklak, ito yata ang kinahihiligan niya nitong mga nakaraan. Pagpasok mo sa bahay ay sasalubungin ka ng hapag kainan na para sa sampung katao. Ang lolo ko ang gumawa bago siya namayapa. Dalawang palapag lamang ang meron, pero malawak. Ang sandigan ng bahay ay matibay na kahoy. Kahit ang mga muwebles ay kahoy rin. Ang alam ko, madalas sa mga muwebles tulad ng upuan sa sala ay may nagbebenta rito sa isla. Tumingala ako at nakakita ng basket na gawa sa abaka, nilalagyan siguro ni lola ng mga abubot.
Paggising ko'y kinabukasan na. Sinabihan ako ni lola na ihanda ng mga dokumento para maka-enrol na kami. May pupuntahan daw silang dalawa nila lola, 'yung lupain na iniwan ni lolo. Hindi ko nga alam if ang lupain lang ang expected nilang bubuhay sa amin, nag-resign kasi si papa sa trabaho niya. If iyon nga lang ang kabuhayan namin, matagal pa yata iyon bubunga at saka mapuhunan.
Hapon na nu'ng inaya ko si Julius na gamitin ang padyak ni lola. Bicycle iyon na may nakakabit na sakayang pangdalawahan. Matangkad at nangangako ang laki ng katawan ng kapatid kong si Julius kaya siya na ang nag-bike muna. Hindi masyadong matangkad si papa, ang katangkaran ni Julius ay galing sa lahi nila mama. Hinahawi ng hangin ang buhok niya, it fades away with the wind.
BINABASA MO ANG
Breeze of Love (La Terria Series #1)
Roman d'amourSa tahimik na hangin ng bulubundukin, kung saan bumubulong ang hangin ng mga pangarap at pinapaalala ang mga alaala ng nakaraan, umusbong ang kwento ng pagpapalaya. Isang kwento na hinabi ng tadhana sa pag-ibig, pagkawala, at ang paniniwala na, tul...