Kabanata 6

781 10 0
                                    

It's been 6 years since she left. Knowing that she'd always comeback no matter how many years might passed, I keep---we keep on waiting for her. After all, alam naman niyang mayroon siyang babalikan.

Kasama ko ang ibang mga magulang ng mga batang pumasok sa kindergarten, labasan na kasi nila. Tumindig ang aking tainga nang marinig ang boses ni Aeil na tinawag ako. Kasabay niyang lumabas ang iba pang mga bata. Patakbo itong lumapit habang nakangiti lamang, sinalubong ko naman at agad na iniangat sa ere bago niyakap kaya tawa ito ng tawa.

Muli ko narin siyang ibinaba at umupo na muna paharap sa kanya.

"Nag enjoy ba ang baby ko, hum?" Nakangiti kong tanong at marahang ginulo ang kanyang buhok.

"Yes, Daddy!" Tumatalon-talon pa ito.

"Hi! Mr. Lumiere." Napatingin ako sa babaeng kakalapit lamang, isa sa mga magulang. Tumayo na muna ako at hinarap siya.

"Is there something you need?"

"Ah! No! I'm just wondering kung vacant ka ba bukas. I just want to invite you to dinner as a thank you." Nakangiti niyang sabi. Nais niyang bumawi sa ginawa kong pagbantay sa kanyang anak noong nakaraan, natagalan kasi ito sa pag-sundo, at nagkataong ako lamang ang natirang parent kaya sinamahan na muna namin ng anak ko ang anak niya. Baka mapahamak pa kapag iniwan.

"It's fine---"

"He'll never have a vacant time since he's going to spend every second of his time on our family for the rest of his life."

Hindi ako naka-imik dahil sa biglaang pagdating ng isang babaeng may kulay itim at mahabang wavy na buhok, nakasuot ng black sunglasses, at naka rider outfit. Ang angas-angas nitong tingnan.

Tumayo siya sa aking tabi at pasimpleng kinawayan si Aeil. "Hi, darling~"

"...Uhm..Mr. Lumiere...I thought wala kayong asawa..." Nag-aalangang sabi ng babae sa aming harapan. Saka lamang sumilay ang marahang ngiti sa aking labi, hinawakan ang tagiliran ng asawa ko at mas inilapit siya sa akin.

"I do actually have a wife. Hindi ko lang pinapalabas ng bahay, I'm afraid someone might stole her, since she's too fucking beautiful." Nakangiti kong sabi.

"Yes! Mommy is too fucking beautiful!"

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang sabik na isinigaw iyon ni Aeil.

"....Did you just cursed?!" Gulat kong sabi. Ngunit natatawa lamang itong tumakbo palayo.

"...Hum, mauuna na ako." Sa pag-alis ng babae ay bigla Naman akong siniko ni Lenka, nang mapayuko ako sabay daing ay binatukan niya ako.

"Palagi ka bang nagmumura habang nasa paligid ang bata?!" Kunot-noong aniya habang seryuso akong tinitigan.

"No..ngayon ko lang siya narinig na nagmura..." Inosente kong sabi. Hindi ko Naman alam kung bakit ako natatawa. Aakma niya akong muling babatukan kaya sinalo ko na ang kanyang kamay at siya ay hinarap. Tinanggal ang kanyang sunglasses bago siya hinalikan.

"Welcome back." Nakangiti kong sabi at marahang hinaplos ang kanyang pisngi. Napahawak siya sa aking kamay at ngumiti na lamang.

"Aeil, uuwi na tayo." Tawag ko dito kaya nagpa-alam na siya sa kanyang kaklase at patakbong lumapit sa amin. Agad Naman siyang binuhat ni Lenka at kinarga.

"I missed you, mommy." Mahigpit siyang niyakap ng bata. I have picturesof Lenka kaya alam ng anak namin ang mukha ng kanyang mommy, palagi ko rin siyang sinasali sa usapan kaya tumatak na siya sa bata. Palagi ko ring sinasabi Kay Aeil na nagtatrabaho sa malayo ang kanyang mommy at babalik din.

"I missed you too," hinalikan ni Lenka ang noo at pisngi ni Aeil.

"Ako? 'di mo na-miss?" Sabat ko kaya napalingon siya sa akin.

"Never. Let's go home now, honey." Kusa niyang hinawakan ang aking kamay at hinila na ako nang magumpisa siyang maglakad, napatingin ako sa kamay kong sobrang higpit niyang hinawakan, as if telling me that she'll no longer let go. Matamis akong napangiti at sumabay na sa kanyang paglalakad, tinapatan ang higpit ng kanyang pagkakahawak, pansin ko naman ang pag-silay ng ngiti sa kanyang labi.

...
The End

XXX With Ms. PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon