Kabanata 4

860 6 0
                                    

Lumiere POV

Noong araw na iyon ay nagising ako nang wala na si Lenka sa tabi ko, at wala rin siya sa unit kaya akala ko ay lumabas lang, ngunit noong tinawagan ko ay hindi ko ito ma-contact. Hindi siya pumasok sa office ngayong araw, didn't even send a letter of absence, it's as if she vanished in a blink of an eye.

Lumipas na lamang ang mga araw, but she still haven't come back, I still can't contact her. Inutusan ko narin ang mga tauhan ko na hanapin ito ngunit hanggang ngayon ay wala parin silang lead. Ilang araw narin na wala akong maayos na tulog. How can I fall asleep when the girl I like vanished without a warning.

Ang ilang araw na kanyang pagkawala ay naging linggo, hanggang sa naging buwan. At noong nagkita kami ni Grandpa, nabanggit ko sa kanya si Lenka and the unexpected truth struck me like a lightning. Matagal na palang nag-bigay ng resignation letter si Lenka at 'di ito inaaprobahan ni Grandpa.

Ngunit noong nakaraan na sa wakas ay nabigyan narin ng sulosyon ang security system ng company, it was Lenka who proposed the most effective solution, and no one was aware of it except Grandpa. Ang compensation na hiningi ay hayaan siyang umalis. Saka inilihim ang naging contribution ni Lenka sapagkat nais daw nito na umalis ng tahimik. Kaya Pala kami walang balita sa kanya.

Nang gabi din na iyon ay nagpakalulong ako sa alak. Hindi makapaniwala na sa lahat ng nangyari between us ay nagawa niya akong bitawan ng ganito. Hindi man lamang sinabi sa akin. She's so fucking annoying. Ngunit sinubukan ko parin siyang hanapin.

And without noticing, three years have already passed. Kasalukuyan ako ngayong nakatayo sa Altar katabi ang aking magiging asawa na si Ms. Jessa Baltazar; The precious granddaughter of chairman's closed ally in business.

Habang nagbibigay ng boring na speech ang Pari, I was really hoping for someone to interrupt this fucking wedding. Iyon lang naman ang hinihiling ko ngunit sobra ang ibinigay sa akin.

Nadisturbo ang engrandeng kasalan nang may biglang malakas na sumabog, na nagdulot ng pag-guho ng iilang parte ng pader at bobong ng simbahan. May bigla namang humila sa amin mula sa likuran kaya bumagsak kami sa sahig matapos mawalan ng balanse, at siya namang pag-bagsak ng malaking chandelier sa mismong kinatatayuan namin kanina.

Habang nangangatog sa takot si Ms. Baltazar, Tudo naman sa pagdarasal ang Pari na nakaluhod na sa sahig. Nang tumingin ako sa paligid ay nagkagulo na ang lahat, sumisigaw at umiiyak sa takot, lahat ay 'di alam kung ano ang mga nangyayari. May mga nakahandusay na sa sahig, nabagsakan ng mga debris.

Sa pagdating ng mga kapolisan ay agad silang rumesponde. Kasabay nilang dumating ay ang mga ambulansya na agad isinugod sa hospital ang mga nakatamo ng malalang pinsala. Agad din na inasikaso ng mga Paramedics ang mga sugatan. May bomb squad din na dumating, tiningnan kung may iba pa bang bomba sa paligid.

Habang ginagamot ang sugat ko sa braso ng isang babaeng paramedic, I can't help but noticed the wound on his left arm.

"Miss, you need to treat that wound before it gets infected." Sabi ko dito. Ngunit patuloy lamang siya sa paglalagay ng bendahe sa aking sugat. Didn't say a single word. Hindi ko rin Makita ang kanyang mukha dahil bukod sa nakasuot ito ng medical mask, ay nakayuko lamang ang kanyang ulo.

Nang sandaling iyon. 'di ko alam kung bakit ngunit bigla na lamang ako nakaramdam ng kirot sa aking dibdib. Kusang gumalaw ang aking isang kamay as if it has a mind of its own. Marahang hinawakan ang mukha ng babae at iniangat ang tingin sa akin.

Tila tumahimik ang paligid at tumigil ang pag-takbo ng oras noong makita ko ang kanyang mga mata. I wasn't even able to see her face, ngunit kinumperma ng kanyang mga mata ang aking duda.

XXX With Ms. PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon