Pinlano ko ang lahat
Ultimo sasabihin, aking isinulat
Nagsanay sa harap ng salamin
Di ko kasi alam kung paano sasabihinSimula sa pag-apak ng paa
Hanggang sa bawat salita
Pinaganda at pinerpekto
Hinihiling na sayo'y malaki ang epektoPero mahal, huwag kang mangamba
Alisin mo ang iyong kaba
Di ko intensyon na ika'y mapahamak
Sa daang pareho nating tinatahakSa paglapat ng ating mga kamay
Diwa't kaluluwa'y nabuhay
Di mo alam kung gaano katagal naghintay
Ang pusong dati'y nalulumbayMahal, huwag magduda sa aking intensyon
Magmasid at pagkatiwalaan ang aking aksyon
Isang hamak na umiibig ng tunay
Ako na umaasang mundo'y magkakakulay