Chapter 1

9 2 0
                                    

LUNA'S POV

Nakakabwisit naman 'tong araw na 'to. Pinalayas ako ng may-ari ng boarding house na tinutuluyan ko dahil lagi akong sinusugod nang kung sino-sino at naghahamon ng away sa akin.

Kaya eto ako ngayon, parang nasunugan ng bahay sa sobrang daming dala. Tsk. Kapag talaga ako nakabawi sa gang na 'yon. Lintek nalang ang walang ganti.

"Ano ba!" inis kong sigaw nang mabangga ako ng isang babae.

Kulot ang buhok niya, medyo matangkad, halatang anak-mayaman, maputi at mukhang matapobre. Psh.

"Nako. I'm really sorry. Hindi ko sinasadya. May humahabol kasi sakin." —okay hindi siya matapobre, sorry naman. Judgemental ako kaonti 'e.

Kumunot naman ang noo ko na napatingin sa mga humahabol sa kanya. At akalain mo nga naman, ang mga bwisit na dahilan kung bakit ako pagala-gala sa kalye.

"At ang galing naman talaga ng araw na 'to!" Sarkistong sabi ko tapos naglakad papalapit sa mga bwisit. Pumunta naman sa likod ko yong babae.

"Luna, hindi ikaw ang sadya namin. Kaillangan lang namin yang babaeng nasa likod mo." tinapunan ko ng masamang tingin si Easton dahil sa sinabi niya.

"Kahit na hindi ako ang sadya niyo, ako, may sadya ako sa inyo. Alam nyo ba na pinalayas ako sa boarding house na tinutuluyan ko dahil yang mga bata mo 'e laging naghahamon ng away sa akin."

Ini-stretch ko na ang kamay ko at minasahe na rin ang leeg ko.

"Saka na tayo mag-usap. Mas kelangan namin ang babaeng yan!" Aba't hindi ako pinansin?! Bwisit na mga 'to!

Lumapit na ako kay Easton, napa-atras pa sila ng kaonti ng lumapit ako tapos tinap ko ang balikat niya.

"Alam mo bang ayaw ko sa lahat ang binabalewala ang sinasabi ko?" saka ko siya sinamaan ng tingin.

Nakita ko namang napalunok siya. Hays, mukhang ma-iihi pa ata 'to sa harap ko.

"Kaya umalis ka na kasama yang mga bwisit mong alalay habang nakakapagtimpi pa ako."

"Kailangan nga namin yang babaeng yan!" Di ko na napigilan ang sarili ko at nasuntok ko na siya. Whoosh! Ang gandang morning exercise nito ah!

Babanatan pa sana ako ng mga kasama niya pero pinigilan sila ni Easton.

"Pagbilang ko ng lima at kapag hindi pa kayo nakaalis sa harap ko, hindi lang yan ang aabutin mo." Tinaas ko na ang palad ko upang magbilang.

Di pako nakakapag-isa 'e nagsitakbuhan rin naman sila. Hays, mga duwag.

"Bwisit na araw na 'to. Nakakasayang ng oras. Tsk!" Pagdadabog ko habang kinukuha ang mga gamit ko.

"Miss, thank you nga pala." Tinaasan ko naman ng kilay si babae.

"For what?" Nakangiwing tanong ko.

"Kasi tinulungan mo ako—"

"Okay, cut that out. Aalis na ako dahil maghahanap pa ako ng matitirahan ko at sinayang niyo na ang ilang minuto ko."

Saka ako tumalikod sa kanya pero naramdaman ko naman ang pagkapit niya sa balikat ko kaya natigilan ako.

"Kailangan mo ng matitirahan? I can help you with that!" Masaya niya pang sabi pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"I am Thalia Nyx Rhys and I do own a Condo." Mayaman nga ang isang to.

"Hindi naman ako nagtanong, Babae. Isa pa, may paa't kamay ako at ayoko umasa kahit kanino nalang." inis na usal ko sa kanya.

Memento MoriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon