1- Breadwinner

2 0 0
                                    

Ang hirap pala mamuhay sa buhay na sumasabay lang sa agos ng tadhana. 

Sobrang nakakapagod yung araw-araw babangon sa paulit-ulit na tagpo, papasok sa trabaho tapos uuwing pagod. 

Hindi mo gusto yung trabaho mo pero walang kang choice kundi araw-araw magreport.

Gustong sumuko pero hindi pwede kasi may pamilyang umaasa sa'yo.

Hindi pwedeng magpahinga kasi walang kita.

May pagkakataon na hindi ko maiwasang itanong, bakit ba hindi na lang tayo mamuhay na hindi nangangailangan ng pera? 

Sumasakit na ang likod ko kaiisip sa lahat. At the age of 24, I'm already exhausted.

I am Ezrha Melody Mendez, 23 years old, single (eme), employed, at konti na lang susuko na. Char.

Panganay ako sa aming limang magkakapatid. Mahirap lang ang buhay namin. Sapat lang ang kinikita ng mama at papa ko sa kanilang trabaho. Kaya right after ng graduation ko sa college naghanap agad ako ng trabaho.

Actually habang nag-oOJT pa lang ako noon naghahanap na ako. I am licensed financial advisor pero hindi ko tinuloy mag work as insurance agent. Nag AWOL ako after 1 week of training. Yes one week lang kinaya ko after months of studying and reviewing. Sa loob kasi ng 1 week ay puro aral lang, parang student pa rin. Pero noong sinabi na next ay actual finding and speaking to clients ay hindi ko na kinaya at nakiusap sa leader ko na ayoko na. 

Ang hirap sa part ko dahil lumaki akong may social anxiety. Ang hirap kasi kahit anong push ko sa sarili ko na lumabas sa comfort zone ko, hindi ko pa rin kaya.

Kaya siguro hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko. May mga pangarap naman ako pero hindi ko masimulang gumawa ng hakbang para magpursigi na makamit ito.

At ito ako... Just scraping by and living as usual...


And sometimes, I getting tired of it.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Introvert's DiaryWhere stories live. Discover now