Chapter 1

28 5 0
                                    

I love the viewfinder of my camera, it tells me the truth about people. Either they're good or bad. I didn't care as long as I didn't get along with them myself. Yet, I have to take a picture of this moment I really hate. A family picture.

“Isa, dalawa, tatlo!” pinindot ko na ang camera saka nagpakawala ng buntong hininga.

“Wacky naman po ma'am at sir!” sinunod nila ang sinabi ko, pati ang mga anak nila ay ginaya ang pose ng kanilang magulang. 

Nang matapos ay nagpasalamat sila sa akin kaya sinuklian ko ‘yon ng malawak na ngiti. “Salamat din po.”

“Good work Maren, tama lang talaga na ikaw ang kinuha ko para sa business na ‘to.”

“Maliit na bagay, paano mauuna na po ako dahil may pasok pa ako bukas.” Mang Kanor waves bye so I wave back.

Pag-uwi ng bahay ay umalingasaw kaagad ang amoy ng alak. Wala sa sariling naparolyo ako ng aking mata dahil sanay na sa tanawing natatanaw ng aking mata. 

Kung anong ginanda ng mga senaryo sa camera ko, ‘yon naman ang kinapangit ng reyalidad ko.

“Pa, lasing ka na naman?” 

“Wala na Maren, palalayasin na tayo rito sa bahay na ‘to!”

“Pa ano bang sinasabi mo?”

“Sana nanatili na lang ako sa Japan, bakit ba kasi nandito ako sa Pilipinas? Walang kaunlaran.” Totoo naman, pero bakit niya sinisisi ang bansa sa sarili niyang kasalanan? He should've looked at himself in the mirror.

“Pa tumayo ka na po d’yan,” buong pwersa kong tinulungan si papa para makatayo at i-upo siya sa upuan.

Niligpit ko ang mga basag na gamit na nagkalat sa salas. Lagi naman kasing ganito tuwing uuwi ako kaya sanay na ako sa dadatnan. Kaagad akong pumunta sa kusina nang matapos magligpit para magluto ng kakainin namin.

“Maren, nagpadala ba si haha?” tanong ni papa, nahimasmasan na ata.

“Hindi pa po.” 

“Ano ba naman ‘yan, baka naman nagpadala na at itinatago mo lang!”

“Pa, wala. At kung meron man ay hindi ko na tatanggapin, nakakahiya na kay obachan.” 

“Nakukuha mong mahiya kung wala na tayong kakainin?” 

Gusto ko sabihing oo dahil nahihiya na talaga ako ngunit nanatiling tikom ang mga labi ko. Ang lola ko na kasi sa Japan ang dati pang nag-aruga sa akin magmula ng makulong si papa dahil sa pagkakautang. 

Gusto rin niyang kuhanin ako kapag nakapagtapos ako ng paga-aral. Kahit nga ngayon ay gusto niya akong bumalik do'n para ro'n na ipagpatuloy ang paga-aral ko. Enough for that, this is not the time for me to break down dahil nakakapagod umiyak. “Kailangan mong kausapin ang lola mong magpadala na dahil malapit na tayong palayasin dito dahil ilang buwan na tayong walang bayad sa upa.”

“Pa, anong ilang buwan? Naga-abot naman po ako ng pangbayad para sa upa sa bahay ah” mapaklang napangiti ako sa katahimikang isinagot ni papa sa akin. I didn't know silence can hurt like this. 

“Ilang buwan na po tayong hindi nakakabayad?”

“Apat na buwan anak,” 

“Pa? diyos ko naman pa! How can you be so cruel sa anak mo?” wala na akong nagawa nang makita kung paanong umagos ang luha sa mga mata ni papa. I wish parents are aware of how their cries affect their child. Most likely, they will say na parents are the most vulnerable of their child’s words, but fuck. I am hurting also, more than I could imagine.

Project: Photograph Archer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon