Prologue

38 4 3
                                    

“Maren, I already sent you the details.”

Napangiti ako nang makita ang gcash account ko na may notification. Iyon ay ang bayad ni Kelsey dahil sa gusto niyang ipagawa, she wants me to be the photographer of her incoming debut.

“Saya natin ah,” bati ni Valine when she sat down beside me.

“Of course, kikita ‘ko eh.” I just love it when I'm doing what I love and aside from that, I'm earning from it.

Nandito kami sa classroom, waiting for our adviser to arrive dahil may kanya kanya rin kaming kailangan gawin pagkatapos ng klase. I have a part time job to attend to, ang iba ko namang kaklase ay halata mong bagot na bagot na dahil sa kanina pang paghihintay dahil sa kanselasyon ng klase ng isa naming subject teacher.

Wala pang ilang minuto ay dumating na si Sir Castro. May dala siyang isang clip board kasama ang President ng buong class, Archer Hayden Jimenez.

“Good afternoon, I know most of you are excited to go home but I have something to tell you,” ani sir kaya naman nakuha na niya ang atensyon namin.

“Ano po ‘yon sir?!” we say in unison.

“Who wants to join a photography contest?” kung kanina ay tinatamad ako, ngayon ay handa nang makinig ang magkabila kong tenga.

Everything about photography makes me hooked. Ewan ba, may isang tao kasing nagpahook sa akin sa potograpiya and it was her…

“Ako po!” itinaas ko ang kamay ko kaya naman pinalapit ako ni sir sa harap, inabot sa akin ni sir ang isang printed paper. Nakita ko pa nga si Archer na bumalik na sa kanyang upuan.

Nang sipatin ng dalawang mata ko ang papel ay nakita ko ang column na wala pang sulat kaya naman kaagad kong isinulat ang pangalan ko ro’n.

Except for that one line na iniwan kong bakante.

“Bakit mukha kang problemado?” Valine asked me nang makaupo na ako sa pwesto ko.

“Hindi ko kasi alam kung sino ang kukuhanin kong modelo.”

Isa pa, hindi naman ako informed na kailangan pala ng modelo. Naipaliwanag naman ni sir na malaya ang magiging theme pero hindi niya naman sinabi na malilimitahan ‘yon. Or maybe not, nasanay lang din siguro ako na puro mga senaryo sa paligid ang kinukuhanan ng litrato.

“Class dismissed.” I immediately grab my bag palabas ng classroom, gano’n din naman si Valine and we parted ways. Ako papunta sa part time ko, at siya pauwi sa bahay nila.

“Miss, sumama ka na sa akin hindi naman matagal ‘to.”

“Bitawan mo ako, asshole!” nanlaki ang mata ko nang makita ang isang lalaking hawak sa pulsuhan ang isang babae.

“Huwag ka nang pakipot Miss, magugustu—” the heck? Anong problema ng lalaking ‘to? I was about to step in nang suntukin ng babaeng maganda ang lalaking pilit siyang isinasama kanina.

“This is the reason why women can't live in this world at peace.” He grab his collar at isinandal sa pader. Kumuha siya ng kung ano sa bag niya and it's a damn lipstick! A red matte one, ipinahid niya 'yon sa labi ng lalaki. Yes girl, slay!

Hindi pa natapos sa paglilipstick lang ‘yon dahil nilagyan niya rin ng blush on ang lalaki. Huli na rin nang marealize ko na schoolmate ko pala yung mapilit na lalaki kanina. Nakakahiya.

“Tutal kanina ka pa nanonood d’yan, do me a favor.” Lumingon ako sa paligid ko dahil sa narinig mula sa babae.

“It’s you, stupid.” Ay wow.

“Anong gagawin ko?”

“Take a picture of us.” He grab the guy’s hair and pull him up nang maingat lang naman and nagsmile siya sa camera while making a peace sign.

“Once na makareceive ulit ako ng balitang nanghaharass ka ng estudyante, I will post this picture. Tignan natin kung may eskwelahan ka pang babalikan.”

Sa gulat nang bigla niya akong hilahin ay hindi ko namalayang nakarating na kami sa isang restaurant. Ito yung restaurant na pinagtatrabahuhan ko. “Miss, are you okay?” tanong ko sa babae.

“Yes, I'm fine.” Hindi na niya ako hinintay magtanong ulit dahil dumeretso na siya at umalis.

Napansin ko naman ang I.D na nahulog kaya pinulot ko ‘yon at nakita ang pangalan ng may-ari. Maybe she's his relative? Perhaps, his girlfriend? Or maybe kapatid niya? I badly need to know because I want that girl to be my model.

“Bakit mukha ka na namang panda? Napuyat ka ba sa part time mo?” tanong ni Valine habang nilalantakan ang niluto kong adobo.

Sana nga iyon lang, ang kaso napuyat lang ako sa pagre-research sa isang taong irrelevant naman sa buhay ko. Nilingon ko si Valine dahil siya lang ang makakasagot ng tanong ko dahil she's one of the source ng chika rito sa campus.

“May kapatid ba si Archer? Kakambal gano’n…” napalingon siya sa akin na para bang nakakabigla ang pagtatanong ko.

“Why did you suddenly ask? The last time I check wala kang pakielam sa mga kaklase natin.”

“Just answer me!”

“Then answer me also…” dahil walang magawa ay nagsalita na ako.

“I find a model na and I think yung babaeng nahanap ko ay kapatid or kaibigan ni Archer? I don't know so just answer me.”

“Fine, sa pagkaka-alam ko ay walang kapatid si Archer. Sa kaibigan naman ay marami, alam mo naman siguro ‘yon? He's a social butterfly.” Oo naman, sa sobrang pagkasocial butterfly nga gusto atang kaibiganin ang buong Pilipinas.

So kung wala siya kapatid… posible kayang… locket and bracelet, feminine—masculine. Maybe…

“Maren! Huy, saan ka pupunta!?” I know I will ask him for something absurd pero I really want to know that girl, para rin kasing pamilyar siya sa akin.

“Archer!” hinihingal kong tawag kaya naman concern siyang lumapit sa akin.

“Iyo ba ‘to?” alam ko rin sa sarili kong maaring magkakilala lang sila pero I know deep inside me na hindi ako pwedeng magkamali. A view finder will not lie, his smile is the same as her.

“Yaps, muntik na akong hindi papasukin ni kuya guard kanina dahil wala akong I.D” bingo.

“Can I ask you something?”

“Oo naman,” hindi ko na sinayang ang pagkakataon at inilabas ang locket na nakalagay sa I.D niya.

“Hindi ba partner ‘to ng bracelet mo?”

“Pwede bang deretsuhin mo na ako? What do you want?” mahinahon pa ring tanong niya.

“Did you know the girl I'm looking for? She's pretty, she has a strong personality, and she's perfect to be my model.” I saw how his eyes sparkled when I mentioned how I want that girl to be my model.

“To be your model?” I nodded my head.

“Oo, and this may be absurd to ask but… ikaw ba at siya ay iisa?”

Project: Photograph Archer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon