Prologue

10 0 0
                                    

Prologue

Inayos ko ang buhok na ginulo ni Freya at akma na silang susugod nang ilagan ko iyon.

Inis na inis siya ngayon at wala na din siyang pake alam kung sino ang mga nanonood sa'min.

Ngumisi ako sa kanya na lalo niyang kinainis. Wala na ding laban ang mga kaibigan niya dahil pinatumba ko muna sila bago itong mayabang na si Freya.

Sumugod muli siya sa'kin at pailalim na ito susuntok ng umilag ako sa kanya at sinipa siya sa likod. Napaubo na siya sa lakas ng tumba niya sa lupa.

Nag sisigawan na ang ibang tao sa paligid namin. Puro pusta na, ang iba pinapatigil kami pero pinipigilan sila ng iba.

"Ano kaya pa ba?" Ngiti ko at tumingin siya sa'kin ng nakangisi. May mga galos na din ako at kalmot dahil sa kuko niyang parang aswang.

Tumayo siya at pinagpagan ang sarili. Pinunasan niya ang labing may dugo saka dumura. "Mayabang ka rin ano?" Aniya at galit na galit. Natawa ako sa sinabi niya.

"Lolz. Mas mayabang ka kesa sa'kin." Saka ko siya tinaasan ng pagitnang daliri.

Sumugod muli siya at hahablutin na ang damit ko ng may pumito. "Malas." Bulong ko dahil mga pulis na iyon.

Agad akong tumakbo sa mga tao at lumusot. Kapag nakita ako ni Dad na nakikipag gulo makukulong na naman ako at hahayaan sa kulungan samantalang wala naman gagawin si Mom kundi ang sermonan ako at ganun na din si ate.

Humanap ako ng pwedeng pagtataasan dahil bakod na iyon. Nakakita ako ng kahoy kaya kinuha ko iyon. Tinapakan muna para siguradong hindi iyon marupok.

Ng maayos na saka ko iyon tinungtungan at lumiban sa kabilang bakod. Tumakbo kaagad ako at lumiko.

Papalabas na ito patungong kalsada kaya tinuloy tuloy ko na hanggang sa marating iyon.

Naupo ako sa isang silya malapit sa isang tindahan ng tinapay at dun nagpahinga. Umub-ob ako dahil sa pagod sa pagtakbo.

Kinapa ko ang cellphone sa bulsa at binuksan iyon.

Nakatanggap ako ng text mula kay Freya na 'Wag kang magpapaabot sa'kin, tatanggalan kita ng anit'

Asa naman niyang gagawin 'yun dahil uunahan ko na siya. Nag vibrate ang Cellphone at tumatawag si Hanna. Sinagot ko naman iyon at talaga namang hindi ko inaasahan ang boses niya.

"Putchakares ka! Asan ka! Mag sisimula na ang math natin tumakas ka na naman! Dalian mo at baka hindi ka na papasukin!!!" Galit na galit siya. Binabaan ko na siya at tumayo na ako.

Malapit naman ang school dito kaya okay nang maglakad. Nagpusod ako saka nagpamulsa sa pants kong itim na tinernohan ng berdeng t-shirt.

Sinasabi ng iba sa'kin tomboy o bakla dahil sa mga suot ko kaya minsan napapag initan ko.

Kapag naman inilulugay ko ang mahaba at itim na itim kong buhok babaeng babae raw ako, kulang lang ay dress at sandals na ni minsan hindi ko sinusubukang suotin.

"Ang tagal paparating na." Bungad ni Hanna. Pasalamat nga at mabilis ako maglakad. "Takot na takot?" Binatukan niya ako kaya napahilot ako dun.

"Pasalamat ka sinabihan kita kung hindi nadala mo na naman dito yung parents mo." Singhal niya sa'ki  bago kami naupo.

Pumasok na si Ma'am Grace upang magturo ng math. Tumingin siya sa'kin at ngumiti. "Himala yata't pumasok ka?" Tumingin sa'kin ang ibang kaklase ko at nakangisi sila.

"Panigurado walang away 'yan kaya ganyan." Ani ni Jurien na siyang nakaaway ko noon dahil sa paglalaro.

"Mag si tigil na kayo, baka kayo naman mamaya ulit ang mag away. Lalo ka na Jurien umayos ka. Mas matanda ka sa klaseng 'to!" Sermon ni Ma'am at nag umpisa na siyang magturo.

Hiding the Vampire's SonWhere stories live. Discover now