Michaela "Ela" Cordova
PALAWAN, PHILIPPINES
"Wazzup Besh?" bati ni Love sa matalik na kaibigan na si Ela.
Si Ela ay isang nobelista. Tatlong taon nang writer sa isang sikat na reading platform ngunit wala pa ring usad ang career. Hindi dahil sa hindi siya magaling, sadyang hindi lang patok ang mga isinusulat niya. Masyadong wholesome ang mga kwento niya, walang bed scenes ni kissing scene ay wala. Sa totoong buhay kasi ay isa siyang sertipikadong birhen. Isang tipikal na graduating college student na walang ka-alam-alam sa mga ganoong bagay. Konserbatibo siya, dalagang Pilipina ika nga kaya hanggang sa mga nobela niya ay nadadala niya ang pagiging 'boring' ng love life.
"Ok naman ako. As usual, walang readers," sagot ni Ela sa pagbati ni Love na humihikab pa. Wala pa kasi siyang tulog. Pinagsasabay ang pagsusulat at pag-aaral. Huling buwan na kasi ng school year at sa wakas ay makakapag-tapos na rin siya ng kolehiyo.
"Hoy grabe ka naman. May readers ka naman, mga tatlo," pang-uuyam ni Love at humalakhak pa. Hindi tuloy malaman ni Ela kung nakiki simpatya ang kaibigan sa kanya o nang-aasar. Obviously, she's mocking her. Ganoon pa man, alam niyang pinapagaan lang nito ang kanyang kalooban dahil dumarating din sa punto na napanghihinaan na siya ng loob. Gusto niya nang bumitaw sa passion niyang ito, naiisip niyang hindi siya para rito. "Bakit kasi hindi ka magpalit ng genre? Magaling ka naman talaga, walang duda. Kaso alam mo naman, mas hinahanap ng readers ang SPG. Try mo kaya mag-erotic, 'yung dark romance. Yung first word pa lang ungol agad. Oohhh, aaahhh spank me Daddy, faster, uggh fvck ang sarap mo talaga Uncle," sabi pa ni Love at umungol pa nga ng pabiro at tumirik ang mata habang dinadama ang naiisip niyang pantasya. "Ganern," dagdag pa nito at muling humalakhak.
Napa-ismid na lang si Ela, mabuti at dalawa lang sila ni Love sa kwarto niya at walang makakakita at makakarinig sa mga kalokohan ng kaibigan. Nang matapos si Love sa pang-aasar, biglang natahimik ang paligid. Bigla kasing sumeryoso si Ela at lumalim ang iniisip habang naka titig sa screen ng kanyang bulok at low-tech na netbook.
"Matagal ko naman nang alam 'yan at naisip ko na rin. Pero hinahatak pa rin ako sa teen fic at drama na slow burn. Dito ko nabubuhos mga frustrations ko at mga hugot sa buhay," sagot ni Ela at bumuntong-hininga.
"Eh ikaw, bahala ka. Sana talaga mapanindigan mo 'yan. Tutal martyr ka naman gaya ng mga characters mo. Basta 'wag ka lang iiyak sa'kin na 'hu hu Love, walang nagbabasa ng gawa 'ko, mas maraming reads 'yung jejemon', Hay naku, Ela sinasabi ko sa'yo, tigil-tigilan mo 'ko, tampalin na kita." Si Love naman ang umirap at nag kibit-balikat dahil nagsasawa na rin siya sa mga reklamo at hinaing ni Ela.
"Eh, anong gagawin ko? Hindi ko talaga kaya 'yung mga sinusulat nila. Meron akong conviction at principle. Gusto ko maging wholesome writer. Hindi ko kasi talaga kaya. Sinubukan ko naman, eh. Wala lang talagang kiliti 'yung SPG ko, eh alam mo naman, berjen pa 'ko. Hindi pa nga ako naka kita ng mala-turon na ano... kahit nga mala-cheese stick na ano, wala eh," nahihiyang sabi ni Ela dahil awkward para sa kanya na banggitin at makipag-usap ng tungkol sa mga ari ng lalaki.
"Gago, walang gano'n!"
"Hoy meron kaya, napanood ko sa IyoTube--" Napatakip ng bibig si Ela at lumaki ang mga mata. Namumula ang pisngi niya dahil nadulas lang siya sa sinabi niya.
Napa-bilog na lang din ng bibig si Love, hindi niya inaasahan ang narinig niya mula kay Ela. "Nanonood ka pala ng p0rn--"
"Minsan lang!" maagap na sagot ni Ela na pahiyaw pa. "Sinubukan ko lang. Gusto ko rin naman kasi magkaroon ng idea sa isusulat ko kaysa naman alam mo na, maghanap ako ng kung sino-sino d'yan tapos gawin ko ng actual--"
"Eh, why not? Hindi ka naman na minor. May mga nanliligaw naman sa'yo. " Tumayo si Love at hinila ang kamay ni Ela. Bigla siyang na-excite sa naiisip niya. "Halika na, Besh. Puntahan natin si Jea. Yayain natin sa bayan at mag bar tayo mamayang gabi."
Hindi nagpatinag si Ela sa kinauupuan dahil ayaw niyang sumama sa bar. "Huwag kang B.I. Love Bel! Nananahimik ako rito, huwag mo 'kong demonyohin. Mahal na mahal ko ang virginity ko."
"Luh, wala 'kong sinabing isuko mo ang Bataan. Bakit gusto mo na ba? Tamang landi lang. Kilig-kilig lang, ganern," sabi ni Love habang nakataas ang kilay.
Wala nang magawa si Ela kundi ang sumunod. Nabudol na naman siya nang matalik niyang kaibigan. Wala siyang tiwala rito pagdating sa mga kalandian dahil mismong love life nito ay tuyot, walang dilig, at tigang. Ang lakas maka advice ng tungkol sa mga lalaki, hindi naman ma-apply sa sariling buhay dahil mismong si Love ay walang boyfriend.
Matiyagang naghintay si Love kay Ela dahil pumayag na ito na pumunta sa bayan para mag bar, isasama nila ang isa pa nilang kaibigan na si Jea na wala ring boyfriend. Masyado kasing mataas ang standard, ang hanap ay guwapong AFAM. Ngayon lang napapayag si Ela na mag bar. Pinagbigyan niya na ang hiling ng mga kaibigan dahil matagal na siyang niyayaya ng mga ito at ito na ang pagkakataon tutal ga-graduate na siya at magiging bread winner. Bago man lang saluhin ang mga responsibilidad bilang panganay ay susubukan naman niyang ma-experience ang maging isang normal na dalaga. Uugatan na siya sa sulok ng kanyang silid, palagi na lang siyang naroon at hindi man lang nasisikatan ng araw. Pero ganoon pa man, matingkad ang pagiging morena niya kahit pa nakakulong siya sa bahay. Katabi lang nila ang dagat ngunit hindi siya marunong lumangoy dahil nga taong-bahay lang talaga siya. Mailap sa tao at mahiyain. Hindi na nakakapag taka kung pagsusulat ang pinili niyang passion.
Sa kanilang magkakaibigan, si Jea ang nakaka-angat sa buhay. Siya ang galante at laging taya sa mga kainan pag nagkayayaan silang magkakaibigan. Si Jea rin ang nag-ayos kay Ela para maganda ito sa pag rampa sa bar. Tutulungan nilang makahanap ng matitipuhan si Ela kahit pa sabihing ang ideal man talaga ni Ela ay isang good boy. Walang bisyo, hindi babaero, at hindi rin pala-labas ng bahay, malayong-malayo sa mga kalalakihang karaniwang matatagpuan sa bar.
Mukhang sa pagkakataong ito, sadyang ang tadhana na ang kusang gumawa ng paraan para makilala ni Ela ang lalaking gigising sa kanyang kamalayan.
Tahimik lang siyang naka upo sa isang sulok, pinagmamasdan ang mga tao kung ano ba ang ginagawa sa bar. Ngayon lang kasi siya nakapunta sa ganitong lugar. Habang abala ang dalawa niyang kaibigan sa pagsasayaw sa dance floor, hindi niya alam na kanina pa may nagmamasid.
Hindi na nakatiis ang lalaki, hindi na makuntento sa pagtitig sa kanya kaya nilapitan na siya. "Hi, Gio here," sabi ng lalaki habang nakalahad ang palad para makipag kamay. Napatingala si Ela sa lalaking lumapit sa kanya at nagpakilala, ang tangkad kasi nito, maybe he stands 5'10 at may malaking pangangatawan. Dumagundong ang dibdib niya nang makita ang seryoso nitong mga titig at makalaglag pangang tipid na ngiti. Parang huminto ang mundo nang naglapat ang kanilang mga palad.
"Care to drink with me? Oh by the way, May I know your name?" tanong ng lalaki.
---------------------
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Black Wings (SPG) -18
RomanceBlurb: Si Michaela "Ela" Cordova, isang probinsyanang manunulat. Nagtatago sa sulok ng kanyang silid, tanging mga tauhan sa mga nobela niyang sinusulat ang kanyang kaulayaw. Hanggang sa dumating ang hindi inaasahang pagkakataon, may misteryosong la...