simula

14 1 0
                                    

''''

Isang dalaga ang tumatakbo sa madilim na kalsada, dahil hinahabol siya ng mga armadong lalaking inutusan ng kanyang stepmother para siya'y patayin.

Wala siyang ibang ginawa kundi tumakbo para iligtas ang kanyang sarili.

She felt nothing except suffering at the hands of the lady. Hindi siya itinuring na miyembro ng pamilya, ngunit sa halip ay isang kasambahay na nahaharap sa parusa para sa anumang pagkakamali. Her life turned into a nightmare matapos magpakasal muli ang kanyang ama.

“Wag tayong tumigil sa paghahabol, kailangan natin siyang patayin!” Sigaw ng isang lalaki sa kanyang mga kasamahan. Dahil malilintikan silang lahat kapag nakatakas ang dalaga.

Hindi ininda ni Daphne ang pagod at sakit ng kanyang dalawang Paa. Dahil wala pa ito sa mga pinagdaanan niyang hirap sa kamay ng ginang.

Sumunod lamang ang dalaga kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Wala siyang ideya kung saang lugar na ‘to basta ang alam niya'y nasa gitna sila ng kagubatan kanina.

Nabuhayan si Daphne ng meron siyang makitang sasakyan, agad na pumagitna sa kalsada ang dalaga para makahingi ng tulong.

Kumaway siya at sumipa sa gitna, bigla naman nag-preno ang driver ni Mr. Acevedo, nagulat siya dahil biglang may sumulpot na babae sa gitna ng kalsada.

“What happened?” Malamig na tanong ni Hudson.

“May babaeng humarang sa daan.” Agad na sagot nito.

“Sagasaan mo kung ayaw umalis.” Utos niya, napalunok naman ang ginoo. Kinalampag ni Daphne ang harapan ng sasakyan.

Ngayon lang napansin ng ginoo ang itsura ng dalaga, gulo-gulo yung buhok nito at pawisan. Ang suot nitong damit ay puro putik, at mababakas yung takot sa mukha ng dalaga.

“Sir, titignan ko lang po yung babae.” Paalam niya, hindi sumagot si Hudson nanatili siyang tahimik habang malamig ang mga matang nakatingin sa dalaga.

Agad naman lumapit si Daphne sa ginoo nang makita niya ito.

“Si-sir tulungan mo ako, pakiusap.” Umiiyak na pagmamakaawa ni Daphne habang hawak ang kamay ng ginoo. Ramdam nito ang panginginig ng dalaga.

“Ilayo mo ako dito pakiusap, gusto nila akong patayin. Sir please…” Muling pagmamakaawa ng dalaga, lumuhod ito sa kanyang harapan at niyakap ang isa niyang hita.

“Ayoko pang mamatay tulungan mo ako sir…” Halos humagulgol na sa iyak si Daphne, ramdam niya ang panghihina ng kanyang katawan dahil kanina pa siya tumakbo at maghapong walang kain.

Dahil naiinip na si Hudson, lumabas na rin siya ng sasakyan magsasalita pa sana ang binata ay biglang nawalan ng malay si Daphne.

“Sir, kailangan nating tulungan ang babaeng ‘to.” Naaawa na sabi ng ginoo, isang malamig na tingin lang ang sagot niya bago lumipat sa passenger seat para doon umupo.

Binuhat na ng ginoo si Daphne at pinahiga sa backseat. Nang maayos na niyang inihiga ang dalaga, sumakay na rin siya sa driver seat.

Tahimik lang si Hudson habang nakatingin sa labas, meron siyang nakitang mga lalaking nakatago doon sa malaking puno.

“Sino ang babaeng yan, ano'ng ginagawa niya rito sa ganitong oras?” Malamig na tanong niya sa ginoo.


TO BE CONTINUED.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE TYRANT'S HUSBAND (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon