“May solar eclipse raw this year?”
I sat beside Solaris who’s busily looking at something on his phone. He held my head to lean it on his shoulder.
“‘Yon ang sabi,” simpleng sagot niya habang nakatingin pa rin sa cell phone.
Umisod pa ako nang konti palapit sa kaniya para silipin kung anong tinitignan niya. Nakagat ko ang mga labi para magpigil ng ngiti nang makitang mga pictures naming dalawa ‘yon noong highschools palang kami. I pinched his cheek before giving it a soft kiss.
“Nakakakilig naman. Why do you always look at those pictures?”
It’s true. Halos araw-arawin niya na ang pagtingin sa mga old pictures namin. I wonder, ano kayang iniisip niya sa tuwing nakatingin sa mga ‘yon?
He gave me a warm smile. “I just... still can’t believe that you’re here. That we're together.”
Napangiti ako dahil do’n. Kinuha ko mula sa kamay niya ang phone at hinanap ang pinakamagandang picture namin para sa akin. Kuha ‘yon noong nasa Taal kami last year para mag-camping. Saktong Lunar eclipse pa no’n. Ang pose namin, ako ang nasa likod niya ‘tapos medyo naka-bend ang mga tuhod niya dahil mas matangkad siya sa ‘kin. Nakapikit pa siya at pareho kaming labas ang mga dila.
Itinapat ko sa mukha niya ang phone nang mahanap ko ‘yon. “This one is the best for me.”
“Why?”
I tilted my head a bit to the side and smiled sweetly. “Kasi kapag nakikita ko ‘to, mas nafe-feel ko na we‘re really meant for each other. Kasi ‘di ba, nagkakilala tayong dalawa noong araw na may eclipse din?”
His Solaris, the sun. And I‘m Luna, the moon.
Unti-unting nawala ang ngiti niya. “But... how? Moon and Sun can‘t be together always, Luna. ‘Pagkatapos ng eclipse, maghihiwalay at maghihiwalay din sila.”
My forehead creased. Why is he saying those things?
“But, Ris... nagkakaroon ulit ng eclipse after some time.” Ibinalik ko ang ngiti. “Bumabalik at bumabalik pa rin sila sa isa‘t isa. Ilang eclipse na ba ang napagdaanan natin? We broke up once pero, look. We came back to each other. ”
Dahan-dahan siyang tumango at bahagyang ngumiti. “You're right.” He planted a kiss above my head and hugged me. “Sorry...”
I don’t want to think too much about what he said. Pero, hindi ko maiwasang matakot.
What if when our eclipse ended again, hindi na kami makabalik pa sa isa't isa?
-
"Anak? Kumusta?"
Humigpit ang hawak ko sa cellphone. Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita.
"Maayos lang po."
Tumahimik na ang nasa kabilang linya. Napayuko ako habang pinaglalaruan ang mga kuko. Maya-maya pa'y nakarinig na ako ng mahihinang mga hikbi.
"Anak... Balik ka na, oh. Patawarin mo na si Mama... Hinawalayan ko na naman siya... Anak... Umuwi ka na rito..." sabi niya sa basag na boses.
Kinagat ko ang labi para pigilan ang sarili sa pag-iyak bago walang pasabing pinatay ang tawag.
My tears started to fall down. Tinakpan ko ng kamay ang bibig para hindi makagawa ng ingay. I took a glance at Ris who was sleeping deeply on the sofa.
I knew it. Makikiusap na naman ulit si Mama para bumalik ako sa Manila. Ilang beses ko na rin bang sinubukan? Pero dahil sa pagmamahal niya sa lalaking 'yon, mas pinipili kong umalis.
BINABASA MO ANG
ECLIPSE [A One-shot Story]
KurzgeschichtenHe's a Sun. While I'm a Moon. We can't be together always. Hindi kami pwede. May eclipse man, natatapos din kaagad. Natatapos din kaagad ang lahat.