01

43 8 3
                                    

tw : domestic violence, verbal, emotional abused. read at your own risk.

***

When most of the teen at my age says that their scars are a sign of their remarkable happy childhood, I couldn't relate to that. 


Because the scars that I got in my body is a mark of survival from the cruelty of people around me.


Mariin akong napapikit nang tumama ang bakal ng sinturon sa'king hita. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko nang hilain ni papa pataas ang buhok ko upang bigyan ako ng malakas na sampal. Umalingawngaw sa buong sala ang tunog no'n.


Naramdaman ko ang pagkabingi at ang kati na sunod namang pinalitan nang hapdi. Napahawak ako sa pisngi. Ramdam ko ang sunod-sunod na patak ng likido na dumaloy sa mata ko. Hindi pa siya nakuntento nang duraan niya 'ko sa mukha.


"Kadiri ka!" mariing sigaw ni papa at dinuro-duro ako. Nakaramdam ako nang panghihina sa tuhod ko kaya napaluhod ako. "Sana hindi nalang ikaw ang naging anak ko! Nakakahiya ka, Bitbit mo ang apelyido ko pero gan'yan ka lalamya lamya! Bayot!"


Sinabi niya ang mga salitang 'yon na nagbigay ng tarak sa puso ko. Parang nababasag ang pagkatao ko. Kung may pagkakataon lang sanang pumili ng magulang kagaya ng pangarap niyang pumili ng anak hindi ko rin pipiliin na siya ang magiging tatay ko. 


"Tama na po, please. . . " pagmamakaawa ko nang pagbuhatan niya muli ako ng kamay at tadyakan sa tiyan. 


Kinuha niya ang korona na napanalunan ko sa beauty contest na nalaglag sa ulo ko at binali 'yon. "Punyeta! Dahil dito sa pageant pageant na 'to sinisira mo ang relasyon nating mag ama! Mas mahalaga pa 'yan sa'yo kaysa sa reputasyon ko!"


"Bryan, Ano ba? Tama na 'yan!" sigaw ni mama nang maabutan ang ginagawa ni papa.


Natigil si papa at humarap kay mama, "Ayan, Diyan ka magaling! Kunsintihin 'yang anak mo kaya 'di 'yan nagtitino!"


Kahit nanlalabo ang mata nakita ko ang pagkunot ng noo ni mama. "Ano bang kasalanan niya, ha?"


"Ayan yung kabaklaan niya! Kasalanan 'yan Lian. Hindi lang sa mata ko, sa mata rin ng Diyos! Nakakadiri 'yang batang 'yan! Ipinahiya ako sa mga kainuman ko! Punyeta Lian itali mo 'yan baka parehas ko kayong masaktan!"


Mula sa pagkakaluhod ay napa salampak ako sa sahig. Nilagay ko ang dalawang kamay sa mag kabilang tainga ko.


Matagal ko naman nang tanggap na hinding hindi ako matatanggap ni papa pero nakakapagod din palang marinig.


Nakakarindi. 


Nakakaubos.


Niyakap ako ni mama at pinakalma. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko at ang panlalabo ng paningin ko dahil sa patuloy na pag iyak.


Nagtama ang tingin namin ni papa na mas lalong kinainit ng ulo n'ya.


clarity - society series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon