03

23 8 0
                                    

My schedule is hectic lately. Mag-mo-moving up na kasi. Maaga natapos ang quarterly exams. Puro tungkol sa cheer dance, El Filibusterismo at Career Guidance ang buong linggo ko. Next week, puro naman tungkol sa deliberation ng honors at practice ng moving-up.


Literal na one of the exhausting part of my highschool life.


Nag tungo ako sa Malabon ngayon para humanap ng rerentahan na attire para sa career guidance. It was all fun not until makita ko si Primo sa palengke ng Malabon at kumakain ng tusok-tusok. Hindi niya naman ako napansin kaya nag dirediretso lang ako ng lakad palayo sakaniya.


Day-off niya yata ngayon sa 7/11 dahil nakasuot siya ng pambahay. Minimalist printed gray shirt and an army green jorts.


I've been avoiding him simula noong huling engkwentro namin sa Senior High building. Hindi ko alam kung paano mag-re-react kaya lalong napa-awkward dahil tumakbo ako palayo pagkatapos niyang mag-confess. Wala rin namang nag bago pag tapos no'n we're still distant at each other. May pa- I want more than friends pa siya! Ni hindi naman nag-first move o nag ti-text man lang. Ni hindi ako ma-reach out sa kahit anong social media account ko! 


Iwinaksi ko ang pag-aalburoto sa isip at ipinaalala sa sarili na happy crush lang si Primo at huwag mag-expect.


Pumasok na 'ko sa rentahan ng mga damit, STEM ang pinili ko sa career guidance at Nursing suit ang isusuot ko. I wasn't really a fan of Science and Math pero 'yon kasi ang strand ni Kyra. E, walang iwanan. Kaya do'n na rin ako! At least, if ever mag-break down siya may kasama siya.


I don't know where life takes me ang gusto ko lang naman talaga ay makapagtapos at maging masaya.


Pagkalabas ko ng shop na nirentahan ko ng damit ay naka-recieve ako ng notification agad ko namang binasa 'yon nang makita kong galing kay Kyra.


lapoks ౨ৎ :
Rio is here. Samgy daw tayo! Treat n'ya.


To lapoks ౨ৎ :
Rio's back?!?!?!?


lapoks ౨ৎ :
Oh, eto trophy. OA award!🏆


To lapoks ౨ৎ :
Punta ako. Paalam mo 'ko sa tatay ko. Please!🙏🏻


lapoks ౨ৎ :
Sige kapag may pake na siya sa'yo :P


To lapoks౨ৎ :
???!


To lapoks౨ৎ :
Tangina mo Ky! May tumutulo. . . luha ko.


lapoks౨ৎ :
HAHAHA. Samgyupsal sa may gilid ng Lancaster ha! 5 PM. See you there! Ingat u mwaps :*


Tatlong oras pa bago kami kumain sa Samgyupsal kaya naman pinagpasyahan kong umuwi na lang sa bahay at magpahinga muna.

clarity - society series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon