"Mahal na mahal kita anak, lagi mo yang tandaan." Sabi ni mama habang yakap nya ako pero may kakaiba dahil parang unti-unti syang naglalaho. Hindi nga ako nagkamali makalipas ang ilang segundo hindi ko na maramdaman ang yakap nya. Minulat ko ang mga mata kong puno ng luha. Wala na sya, wala na si mama.
"Nooooo!"sigaw ko. Nang imulat ko ang mga mata ko mukha ni papa ang nakita ko.
"Okay ka lang ba Kristelle?" tanong nya saka ko lang narealized na nananginip ako habang nasa biyahe kami papuntang Bicol ang probinsya ng mama ko. Napabuntong-hininga ako I wipe my tears away.
"Okay lang ako Pa, I just had a dream. Malapit na po ba tayo?"tanong ko.
"Malapit na tayo, you should look around. Nakakarelax ang mga punong nadadaanan natin." Dahil sa sinabi niya ibinaba ko ang bintana ng kotse at tiningnan ang dinadaanan naming. Maraming mga naglalakihang puno na luntian na ang sarap tingnan dahil nakakarelax kaya siguro kapag tinanong mo ang mga taga-maynila kung mas saan nila gustong manirahan sa probinsya agad ang sagot nila. Hindi naman maipagkakaila na aganda nga sa probinsya.
Ilang minute pa ang tinagal ng biyahe naming hanggang sa tumigil si papa sa isang bahay, medyo may kalalihan ito at masasabi kong modern design na ang bahay na ito. Bumaba ng kotse si papa saka ako pinagbuksan ng pinto, nakita ko agad ang lolo at ang lima kong pinsan ko na nakaabang sa harap ng bahay. Marami akong pinsan sa side ni mama pero ang alam ko silang lima lang yung nandito dahil mas gusto ng parents nil ana dito mainirahan sa probinsya.
"Kumusta ang biyahe nyo?" tanong ni lolo. Kapatid sya ng tatay ni mama. Hindi ko nakilala ang tatay ni mama dahil maaga itong namatay kung kaya't ang kilala kong lolo ay ang kapatid nito si Lolo Batoy yan ang tawag sa kanya ng lahat masyadong malayo sa totoo nyang pangalan na Juan. Ganun naman talaga sa probinsya bibigyan ka nila ng palayaw na napakalayo sa totoo mong pangalan.
"Okay lang naman Lo, ito ng apala ang apo mong si Kristelle."pakilala ni papa lumapit naman ako at nagmano.
"Aba napakalaking bata mo na iha, huling kita ko sayo ay paslit ka palang. Halikayo sa loob ng maipakilala ko rin sayo ang napakarami mong mga pinsan, inaantay ka nila." Sabay pasok sa bahay kaya sumunod na rin ako maging si papa ay sumunod nalang din at hinayaan muna sa kotse ang mga gamit naming, mukhang excited si lolo na ipakilala ako sa mga pinsan ko kung sa bagay ang mga pinsan ko sa side ni papa ang mas kilala ko dahil mga taga-maynila rin ito samantalang ang mga pinsan ko sa side ni mama ay nandito sa Bicol.
Ng makapasok ako sa bahay agad kong nilibot ang paningin ko, Maganda ang bahay saka malamig kahit na walang aircon ganun yata talaga sa probinsya malamig at maaliwalas. Dumeretso kami sa likod bahay kung saan mas dama mo ang simoy ng hangin may nakahanda na ring lamesa na may pagkain at mga upuan.
"Pinaghandaan talaga namin ang pagpunta nyo dito, halina at magsiupo na tayo at ng makakain na."pag-aaya ni lolo habang nag-aabutan naman ng mga kubyertos ang mga pinsan ko. Naupo ako sa pinakadulo dahil ayokong mapagitnaan ng mga pinsan ko lalo pa at hindi ko pa naman sila ganun ka-close ngayon ko lang din sila nakita kaya hindi ko rin alam kung paano ako makikipag-usap sa kanila. Nagdasal muna kami bago magsimulang kumain, inabutan ako ni papa ng plato na may laman ng pagkain kinuha ko naman ito. Abala sila sa pakikipagkwuentuhan sa isa't isa habang ako naman ay tahimik na kumakain.
"Hi, ako pala si Dea." Napatingin ako sa katabi ko ng magsalita sya. Inilahad nya ang kamay nya sa akin kinuha ko naman ito para makipagkamay.
"Kristelle" pakilala ko. Ngumiti naman sya.
"Tapos ka ng kumain? Gusto mo maglibot tayo? Alam kong naiingayan ka na sa kanila" sabi niya sabay tingin sa iba pa naming pinsan na nagtatawanan.
"Hindi na, bukas nalang siguro. Medyo nahihilo ako dahil sa biyahe."sagot ko habang nakangiti. Agad naman synag bumaling kay Lolo.
BINABASA MO ANG
Whispers of the Dreamscape
Mystery / ThrillerKristelle seems to be a normal girl with a normal life, but everything changes when her mother dies. Hindi nya yon inaasahan at masyado masakit mawalan ng isa sa mga pinaka-importanteng tao sa buhay nya, yes, her father is there as her supporter, an...