Chapter 2

2 0 0
                                    

Isang linggo na ako dito sa probinsya, bumalik na rin si papa sa Manila dahil na rin kailangan nyang asikasuhin yung business namin. Hindi nya pwedeng iwan ng matagal kay Kuya Vince at baka kung ano pang gawing kalokahan ng kapatid ko na yon. Nag-eenjoy naman ako dito Mabuti nalang at baksyon rin ng mga pinsan ko sa kani-kanilang paaralan kaya madalas nila akong dalhin kung saan-saan at thankful ako sa kanila dahil nagiging masaya ako.

"Bukas pala pupunta tayo sa bukid, kasama sila Mich."sabi ni Dea habang nagmemeryenda kami. "Nagbabalak din kami na magpicnic tayo sa ilog. May ilog kasi sa bukid. For sure magugustuhan mo doon malamig din yung tubig kaya madalas din kaming maligo doon, malilim din kasi doon dahil sa mga puno kaya hindi ka magkakasunburn."dugtong nya.

"Pwede bang ako ang magluto ng dadalhin nating mga pagkain bukas?"tanong ko hindi kasi talaga nila ako hinayaan na tumulong sa gawaing bahay dahil nga daw nandito ako para magbakasyon. Laging si Dea ang nagluluto para sa amin at masarap syang magluto habang si Kuya Dennis naman at ay sumasama kay lolo sa bukid minsan naman nasa bayan sya kasi mag liga hindi kami sumasama ni Dea dahil gabi lagi ang liga at hindi kami pinapayagan ni lolo. Pero noong isang araw ay may liga dito sa basketball court namin kaya nakanood kami kahit na gabi na dahil pinayagan kami. Doon ko nakilala ag ilan sa mga kaibigan ni Kuya Dennis na taga bayan.

"Sige na nga, basta kapag pagod ka na magsabi ka."natuwa naman ako.

"May iba pa ba tayong kasama bukas? Like yung mga kaibigan niyo?"tanong ko, napansin ko kasi habang nandito ako, ako ang madalas nilang kasama alam ko naman na may iba pa silang kaibigan na taga rito lang naman sa barrio.

"Habang nandito ka ikaw muna priority namin, saka sinabi namin sa mga kaibigan namin na hindi muna kami makakasama sa mga lakad kung meron man. Naiintindihan naman nila yun saka nagsasawa na rin sila sa pagmumukha naming magpipinsan nasa iisang school lang din kami. Babawi kami sa kanila after vacation saka nag-eenjoy din yun mga yon sa bakasyon nila. Nag-uusap rin kami sa group chat."paliwanag nya ganun siguro talaga kung matagal na kayong magkaibigan kahit na matagal kayong hindi magkita-kita e intact pa rin yung friendship na meron kayo.

Ilang oras din kaming nagkuwentuhan ni Dea, wala sila Mich dahil nasa bayan ang mga ito sila muna ang bantay sa mga stores nila. Kinagabihan, sabay-sabay na kaming kumain ng dinner maaga ring nakauwe sila lolo at kuya Dennis galing sa bukid. Hinayaan na rin ako ni Dea na tulungan syang magluto kaya mabilis kaming nakapagluto bago pa dumating sila lolo.

Matapos naming kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko para maligo at magpahinga. Isasarado ko na sana ang kurtina ng bintaan ko ng mapatingin ako sa bahay na katapat nito hindi ko talaga alam pero parang may something sa bahay na iyon at gusto ko siyang puntahan pero syempre hindi ko naman pwedeng gawin yun lalo pa at sinabi na ni Dea na wala na ngang nakatira doon baka makasuhan pa ako ng trespassing.

Kinabukasan, nagising ako sa tunong ng alarm clock ko. Pipikit-pikit pa ang mata ko pero bumangon na rin ako at saka kinuha ang cellphone ko para i-check kung nagtext ba si papa binuksan ko na rin ang data ko para icheck ang social media ko mahina ang signal dito sa probinsya pero nakakatanggap pa rin naman ako ng message online, hindi rin naman ako mahilig magbabad sa social media kaya okay lang sa akin na hindi ganun kalakas ang signal. Habang nagbobrowse ako sa social media ay nakaramdam ako ng uhaw kaya nagpasya akong lumabas at bumaba sa kusina para kumuha ng maiinom.

Papasok na sana ako sa kusina ng marinig kong may nag-uusap si Dea at Kuya Dennis.

"Kuya, tingin mo ba ligtas sya dito? Wala syang alam."rinig kong tanong ni Dea. Nagtago ako sa para hindi nila ako makita hindi ko gusting making sa usapan nila pero there's something on me na sinasabing dapat akong making.

"We can't do anything Dea. Kailangan nyang magstay dito hanggat hindi tayo nakakasiguro na safe sya after what happened."rinig ko ang boses ni Kuya Dennis.

Whispers of the DreamscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon