Chapter Two

10 0 0
                                        

Chapter Two
"Friends"

Too bad, mukhang hindi ako makakasama sa dalawa. Pag-dating ko kasi sa unit ko, nadatnan ko sa labas ng unit ko ang pinsan kong si Ate Justine ( Jihyo ).

"Ate? Kanina ka pa ba?" tanong ko.

Umiling siya saka ngumiti. "Hindi naman. Halos kadadating ko lang din. Hindi na kita nasabihan dahil naiwan ko 'yung phone ko sa bahay."

"Ganon ba? Halika pasok ka."


Agad ko namang binuksan ang bahay at saka na kami pumasok. May mga dalang pagkain si Ate iilang in-can beer.

Ini-ayos ko sa mga plato ang mga pagkaing dala niya saka kami pumwesto sa sala. Binuksan ko din ang TV para may pinapanood kami habang nagkekwentuhan.

"How's your first day at Creighton? Nakaka-pressure ba?" natatawang tanong niya to start our conversation.

"Hmm.. Akala ko din nakaka-pressure, pero hindi naman, Ate. Siguro dahil nandon 'yung dalawa, kahit papano naging okay 'yung unang araw."

"That's good then." Ate chuckled then open her in-can beer.


Dahil nga sa nanood kami ng movie, naging tahimik lang kaming dalawa. Minsan magbibigay ng comments about the movie, making fun of some characters or badmouthing the antagonist. Nagkakaroon pa kami ng bet sa mga mangyayari at kung sino ang matalo, bibili pa ng alak.

"Sabi sayo eh! Siya 'yung pumatay sa matanda!" pinag-hahampas pa niya ang braso ko nang manalo siya sa bet namin.

"Haist! Ilan ba?" tanong ko na agad.

Ate laughed. "Apat, ay no. Gawin mo ng anim."

"Makakapagmaneho ka pa ba nyan after non?"

"Gago, dito ako matutulog. Sige na bumili ka na don!"

One of her traits kapag medyo tinatamaan na siya sa alak, nagiging sadista at mando na si Ate..

No choice, kaya tumayo na ako agad at kinuha ang wallet ko. Medyo malayo ang convenience store dito sa building pero yakang yaka naman, para kahit papano nababawasan ang alocohol sa katawan ko habang naglalakad.

Habang naglalakad ako, naramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Agad ko itong kinuha at nanlaki nalang mata ko nang makita ang napakaraming missed calls nila Eli at Juls.

Napapalo nalang ako sa noo nang marealize kong hindi ko pala sila nasabihan na hindi na ako makakasama. Hayaan nalang, kausapin ko nalang sila bukas sa school.

Natatanaw ko na 'yung convenience store kaya binilisan ko ng kaunti ang paglalakad ko.

"Let go!"

Napahinto ako nang may marinig akong pamilyar na boses mula sa isang alley na nadaanan ko, kaya agad akong bumalik para i-check ang nadaanan kong eskinita.

Nakita kong may tatlong lalaki na pinapalibutan ang isang babae. Hindi ko makita kung sino 'yung babae dahil natatakpan siya ng isa sa mga lalaki at medyo madilim pa sa part na 'to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Secret NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon