WHAT IF?

3 0 0
                                    


What if we were never meant to be?

or

What if we're just meant to met each other for our personal growth?

"Shineee!" sigaw ni Teressa mula sa 'di kalayuan.

Nilingon ni Shine ang papalapit niyang kaibigan, tumatakbo ito sa hallway habang nag hahabol ito ng hininga.

Pag kalapit nito sakanya ay agad siya nitong hinawakan sa braso.

"Shine! Halika si Gino!" nag mamadaling sabi ni Teressa sabay hatak sa braso ni Shine.

Nagulat naman ang dalaga sa inasta ng kaibigan at puno ng pag tataka.

"Uy teka, bakit ba?!" naguguluhang tanong ni Shine habang hinahayaan ang kaibigan na hatakin siya.

Kung saan-saan sila nakisiksik sa sobrang dami ng estudyante sa paligid hanggang sa nakarating sila sa nag kukumpulan sa field.

"Ayun!" turo ni Teressa kay Gino na nakikipag away sa isa sa batchmate nila.

Agad namang napakagat labi si Shine sa inis saka sumugod papunta sa boyfriend niyang si Gino na patuloy pa rin na binubugbog ang isang student.

"Gino!" galit na singhal niya saka hinawakan ang braso nito.

Tinignan naman siya ni Gino ngunit hindi siya nito pinansin at hinabol pa rin ang student na sinusuntok niya at kwinelyuhan habang naka higa na ito sa sahig.

"Gino stop!! Stop this now!" galit na sigaw ni Shine saka buong pwersang hinila ang braso ni Gino. "Ano bang nangyayari sayo?!" singhal niya rito, galit at hindi maintindihan ang nangyayari.

"The heck, let me go Shine!" inis na singhal ni Gino saka umayos ng tayo at hinarap ang girlfriend niya. "You don't know what this man said to you!"

Biglang parang binuhusan ng malamig na tubig si Shine sa narinig. Ang lalaking 'yan? May sinabi tungkol sakin? asik nito sa kanyang isipan.

"G-gino, please stop na. You already 'cause him a lot of pain, that's enough na.." mahinahon na sabi ni Shine sa nobyo saka marahan na niyakap ito.

Napabuntong hininga si Gino saka niyakap pabalik si Shine.

Naiintindihan naman ni Shine kung nagalit ito dahil sa kung anong sinabi ng lalaki sakanya. Pero sapat naman na siguro ang ilang suntok para matauhan 'yon diba? Edi ngayon ay nasa principal's office sila.

"Mr. Dela Cruz hindi sapat iyon para halos burahin mo na ang pag mumukha ni Mr. Santos." sabi ng principal na lihim lamang na iniripan ni Gino.

Hindi siya maintindihan ng lahat, nagalit lang siya at pinag tatanggol ang girlfriend niya. Hindi rin naman dapat yung ginawa at pinag sasabi ng lalaki tungkol kay Shine, eh. Kaya hindi niya napigilan ang sarili niya.

"Ms. Shine is out of this issue, pero next time try to calm down yourself more young man. The next time you did this I might expell you from this school. Kung hindi ka lang SSG president sa school ay baka ma kick ka rito. Ayusin mo ang sarili mo Gino." seryosong sabi ng principal na ikinayuko ni Gino.

Pag labas nito ng principal's office ay nakita niya ang nobya na nag hihintay sakanya. Agad na tumayo si Shine at sinalubong siya nito ng puno ng pag aalala.

"How was it?" nag aalalang tanong ni Shine rito.

"Nag warning lang.. muntikan na." sabi ni Gino rito saka nag lakad na paalis.

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now