"Stacey." I called my friend. Nakatalikod ito habang nakikipag usap sa ibang students.
Lumingon siya sakin at ngumiti. Saglit siyang nag paalam sakanila at tuluyang ibinigay sakin ang kanyang atensyon. Hinila ko ito paalis sa maraming tao at dinala sa isang empty room dito sa school.
"Yes? Bakit Kim?" takang tanong nito.
I was holding myself not to harshly open the topic immediately. I let out a heavy sigh as I tried to look at her in the eye.
"A-are you.. still talking to Josh?" I asked.
"What do you mean?" hindi makapaniwalang tanong nito at matabang na tumawa. "Gosh, Kim? Ganyan ka na ba talaga ka insecure? Wala kaming ginagawang masama ni Josh."
liar.
"W-wag mo akong gawing t@nga, Stacey. Alam ko ang galaw ng bituka mo, best friend kita pero ahas ka!" madiin na sabi ko, ikinukuyom ang kamao kasabay ng pag pigil ko sa sarili kong mag pakawala ng matinding emosyon.
"Whoa?! You're really accusing me, Kim?! Best friend? Best friend ba talaga kita?! Mag kaibigan lang din kami ni Josh, nababaliw ka na ba?" natatawang sabi nito dahilan para mas lalo akong mainis.
"Kaibigan? May kaibigan bang hahalikan ang boyfriend ng kaibigan niya? Sige nga, paano mo mae-explain 'yon?!"
"Nag beso lang kami—"
"Bullsh*t, Stacey! Walang kwenta ang rason mo dahil kitang kita ng dalawang mata kong dumampi 'yang makati mong labi sa labi ng boyfriend ko!" Pasinghal kong sabi rito habang dahan-dahang rumaragasa ang luha pababa sa pisngi ko.
"Stacey? Kim?!" Narinig kong sigaw ng pamilyar na boses.
I gulp as I look at Josh. I was crying, i was deeply in pain.
"Ano na naman ba Kim?" inis na tanong niya habang nakakunot ang noo saakin.
"Really Josh? That's how you will approach me?" naiiyak na tanong ko.
"Josh, she's accusing me that I'm stealing you from her. Hindi ba't mag kaibigan lang tayo? Pag sabihan mo nga ang girlfriend mo, gosh." maarteng sabi ni Stacey bago tuluyang lumabas ng kwarto at wala na akong nagawa upang pigilan siya.
Marami pa akong gustong sabihin at isumbat sakanya ngunit anong magagawa ko, pakiramdam ko ako talaga yung talo rito.
"Nababaliw ka na ba?"
"H-huh?" umangat ako ng tingin kay Josh, i was expecting that he will comfort me but it seems like.. he's kinda different.
"Alam mo namang mag kaibigan lang kami ni Stacey! Best friend mo pinag hihinalaan mo? At wala ka bang tiwala sakin Kim?! Hindi pa ba sapat yung mga efforts at pag mamahal ko?!" galit na singhal ni Josh dahilan para manginig ako.
He never shouted at me. He never did.
"J-josh?.." hindi makapaniwalang pag tawag ko dito habang patuloy ang pag daloy ng mga luha ko.
"Alright, I'm sorry." Bumuntong hininga siya ngunit umiling ako.
"No. Sorry. 'Cause I'm breaking up with you." seryosong sabi ko dahilan para manlaki ang mata nito.
"Anong sabi mo? Y-you're breaking up with me?—C'mon Kim, it's just a little misunderstanding!"
"Misunderstanding.." I pause as I laughed at him. Kinuha ko ang cellphone ko saka plinay ang video kung saan ko natagpuang nag hahalikan sila ni Stacey. "Yeah.. Just a little misunderstanding that it lead me to decide that I'm. breaking. up. with. you." Pinunasan ko ang luha ko saka matapang na hinarap siya.
"N-no.. L-lasing ako niyan Kim, a-ano ka ba haha, hindi kita magagawang lokohin—"
"Wag mo na akong gawing t@nga Josh. Matagal ko nang halata at matagal ko na rin kayong pinag sasabihan. Ngayon, lumandi na kayo sa harap ko dahil tapos na tayo, at wala na akong pakialam sainyo." Sabi ko rito dahilan para matulala ito. "We're over Josh." lumabas ako ng kwarto na iniwan siyang walang nasabi kahit isa.
I was so full and tired about their game. So i finally decided to exit.