Chapter 20

52 4 0
                                    

"Start na ba tayo?" Ngumiti na lang ako ng tipid nang magtanong sa amin si Joshua. Nakahanda na rin kasi lahat ng mga instruments para sa practice at tiyaka may hinahabol kaming oras. Magpe-perform na kasi kami sa saturday sa isa sa mga club dito sa Dumaguete. Para na rin sa exposure at pag-boost ng confidence namin... I mean pag-boost ng confidence ko. Sanay na sila eh, ako hindi pa at hindi ko pa nasubukang tumugtog sa harapan ng maraming tao.

Bigla ko na lang naalala ang sagutan na 'yon sa bahay na hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na malaya na ako sa bahay na 'yon. Nakahanap na rin naman ako ng malilipatan, tinulungan kasi ako ni Ate Treesy at maganda ang espasiyo dahil malaki-laki. Nagulat nga ako dahil sa gustong manatili sa tabi ko si Aling Lorna kahit alam niya namang kaya ko na.

"Sasamahan kita, dong. Huwag mo na alalahanin ang pera dahil maghahanap ulit ako ng trabaho para may pangtustos sa mga apo ko." Sabi pa niya no'n pero siyempre hindi ko siya hinayaan. May suweldo na rin naman kami at malaki-laki na rin 'yon kaya susuwelduhan ko siya kahit ayaw niya. Tapos ko na ring bayaran ang upa sa inuupahan namin at pangtatlong buwan 'yon kaya maluwag-luwag ako ngayon.

"Teka, record ko muna mga boys. Alam niyo na, for promotions." Rinig namin kay Ate Treesy na siyang ikinangiti ko na lang. Nakasuot pa rin ako ng maskara at hanggang ngayon hindi pa rin alam ng mga kasamahan ko kung ano ang tunay kong itsura. Hindi naman nila ako kinukulit na tanggalin kaya nagiging mas kumportable na ako sa kanila... ahm, maliban na lang kay Driyad.

"Sige manager! Tapos tag mo ulit kami sa socmeds namin ah? Alam mo na, pangdagdag followers na rin. Dami mo kasing followers eh!" Galak na sambit ni January na siya namang ikinatango ni Ate Treesy.

"Oo naman," sagot agad nito. "At tiyaka, hindi puwedeng hindi kayo naka-tag no! Baka akalain nilang galing kayo sa ibang entertainment! Hmm!" Natawa na lang ako sa inakto niya.

"Let's start." Natuod ako dahil sa malalim na boses na 'yon! Para kasing ibinulong sa tenga ko ang mga salitang 'yon kaya pasimple akong lumingon sa likuran. At halos lagutan ako nang hininga nang mapansing dumaan pala si Driyad sa likuran ko hanggang sa magtama ang mga mata namin!

His cold eyes darkened and I don't know the reason behind that darkness within his eyes. It's telling me that it has a backstory and it is something that I really want to know even I don't have any rights!

Tumikhim na lang ako at humarap sa microphone. Kahit ilang beses na kaming nagpa-practice ay hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan lalo na't nasa likuran ko lang si Driyad. Nakakatakot kasing magkamali lalo na't siya ang gitarista ng banda!

He is literally scary!

I stopped when I suddenly heard the piano intro of the music that we're going to sing. Then the strings from Driyad's guitar is starting to play that made me more nervous but I just smiled.

Kahit kinakabahan, ngumiti pa rin ako ng matamis at dinamdam ang magandang musika. Pumikit ako at inisip ang mga magagandang bagay na nangyari sa buhay ko nitong mga nagdaang araw.

"Tanaw pa rin kita, sinta, kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala. Sa tuwing nakakasama ka lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata." I started singing the Filipino song 'KLWKN' and I don't know why they chose this as a practice song but I am actually starting to love it. I practiced this song secretly in apartment and always playing this whenever I'm asleep.

"'Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay. Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang 'yong kamay." When I sang that part, I can say that I'm really in love with the song. Whenever I delivered those words, it is like I am storytelling to everybody. And whenever I am singing that part, I always remember Asterios for making my life colorful.

Pink Light Behind The Darkness [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon