Chapter 1
"Ngayon lang kita nakita dito. Bagong lipat kaba dito sa amin?.… Pero parang hindi. kasi ang gara ng suot mo" nagulat ako nang may lumapit sa akin na batang lalaki. Naka upo ako sa isa sa mga kahoy na silya sa tabi ng puno.
Moreno sya at singkit ang mata. Malaki ang suot nyang T shirt at halosa ma huhulog na shorts nya.
"Who are you?" Takang tanong ko.
"Nako nag English na" napa kamot sya sa batok nya. "Ang hirap mo naman kausap" sabi nito. Ako pa ang mahirap kausapin? Eh sya nga itong lumapit sakin eh.
"Bago kalang siguro dito no? Galing ka ba ibang bansa? Ang puti mo tapos ang ganda ng suot mo" he sit besides me pero nag iwan sya ng malaking distansya.
"Bakit ka mag isa dito? Wala kabang kaibigan kaya mag isa kalang?"
"Ang dami mong tanong. Can you just shut your mouth" napa tikom ang bibig nya bigla. Napa irap nalang ako at nag focus sa tanawin na nakikita ko.
Bakit nga ba ako nag iisa dito? Nandito ako dahil nasa gusto ko ma pag isa muna. Ito ang unang beses kong pumunta dito at tumakas pako sa mansion para lang makita ko ito.
"Ang ganda diba?.....dito rin ako pumupunta pag malungkot ako" sabi ng batang lalaki.
"Yeah.... It's beautiful"
"Dyan nag tatanim ng mga palay sila nanay at tatay. Minsan nag lalaro kami sa putikan ng mga kaibigan ko dyan! Ang saya"
Napa ew naman ako. Putik? Hindi ba sila nandidiri? Like bakit naman sila mag lalaro doon?.
"Yuck. Bakit kayo nag lalaro sa putikan? Ang dumi dun" sabi ko. Hindi ko kilala ang batang kasing edad ko pero magaan ang loon ko sa kanya. Oo madungis sya tignan pero there's something with him na parang hinahatak ako sa kanya.
"Dahil masaya?" Sabi nito.
"Ehh?...... Hindi ba kayo nag kakasakit sa ginagawa nyo?" Tanong ko.
"Sanayan lang yon at hindi ako mag tataka kung ayaw mo sa putik eh parang gatas ng kalabaw ang inililigo sa'yo eh"
"Sobra ka naman dun"
"Bakit hindi ba?" Natatawang sabi nito. Talagang inaasar pa ako ng lalaking to. Ang hilig mang pikon.
"Gusto mo I try?..... Wala namang mawawala" sabi nito. Kita ko ang excitement sa mukha nya pero agad akong tumanggi. No. never.
"Ayoko nga. At styaka pagagalitan ako ng mom and dad ko when I go there" sabi ko.
"Ganyan ka ba mag salita?"
"Yes? Bakit may mali ba?"
"Ako nga pala si Cedrick. Ikaw anong pangalan mo?"
"I'm Zep"
"Okay. Simula ngayon mag kaibigan na tayo! at ang mag kaibigan nag ba bonding!"
"What kind of bonding?" Napa isip isip sya. Kumunot naman ang noo ko dahil nakita ko ang maliit na ngiti sa labi nya. Parang may balak na masama!.
"Anong iniisip mo?"
"Wala. Tara na. Worth it naman yun. At least na try mo bago ka pagalitan ng mom and dad mo!" Wala akong Idea nang sabihin nya yon at bigla nalang syang lunapit sakin. Muntikan pako ma dapa nang hawakan nya ang kamay ko at hinatak ako sa may pilapil.
Naka dipa na ang dalawang kamay ko dahil para ma balance ko ang bigat ko! Ito kasing lalaking to bigla akong hinila! Kunteng mali lang ay pwede na ako ma hulog sa putikan.
"Ma huhulog ako ano ba!" Sigaw ko dahil sa takot na ma hulog ako.
"Ka lalake mong tao matatakutin ka!" Pang aasar nya sakin. Parang lalabas na ata ang usok sa tenga at ilong ko. "Are you insulting me?" Galit kong sabi.
"Sulting?" Takang tanong nya.
"Wala kaming asin! Tara na" hinila nya ako ulit at nag lalakad sa pilapil. Napapatingin ang ibang mag sasaka sa ginagawa naming pag takbo.
May sinisigaw sila pero hindi ko naman marinig dahil masyado kaming malayo. "Dito tayo ma liligo" turo nya sa isang putikan. Napa ngiwi nalang ako dahil doon.
Seryuso ba sya? Doon kami maliligo?."Not happening. I'm leaving" sabi ko at akmang aalis na ay naramdaman kong may humawak sa kamay ko.
"Sige na! Diba friend na tayo?" Nag beautiful eyes pa ang mokong. Inirapan ko lang sya.
"Wala akong sinabi na mag kaibigan na tayo. You're the only one who declared that but you didn't ask me" sabi ko. His lips parted para bang walang naiintindihan sa sinasabi ko.
"Nag sasalita ka na naman ng alien... Mag tagalog ka naman" sabi nito.
"Why? Cause you don't understand what language I used?" Napa iling nalang sya. Nag lakad sya dahan dahan sakin hanggang sa mag ka harap na kami. "Alam mo ang cute mo sana pero matigas ulo mo" he said while staring at me right through my eyes. Nag init ang pisngi ko.
"You really like insulting me huh?" Nauubos na pasensya ko sa lalaking to!.
"Wala nga kaming asin!" Reklamo nya. Na sagad na nya ang pasensya ko kaya sa sobrang inis ko ay inisang dampot ko ang putik at binato sa damit nya.
"Buti nga sayo" I crossarms and rolled my eyes. Deserve nya yan total sanay naman sya sa puti—haa!
"Mag handa ka!"
Huli na nang maka ilag ako nang batuhin ako ng putik ni Cedrick. Napa "ow" ako nang kumalat sa damit ko dumi.
"Look what what you've done!...... Ang dumi dumi ko na!"
"Wag kang oa. Mas madumi pa sapatos mo kaysa sa putik" naka ngising sabi nya. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil sa sobrang galit ko ay pinatulan ko na sya at hindi ko napansin ay nag e enjoy ako habang nakikipag batohan sa kanya ng butik!.
Para lang kaming nag babatohan ng snow ball but putik version. I found my self laughing and running around on the pilapil and swimming called 'putik'
"Ang saya pala!" Sabi ko habang naka upo. I didn't expect this. Hindi ko namalayan ang oras dahil sa nadala narin ako sa ka giliwan ni Cedrick. Punong Puno nako ng putik halos hindi na ako makilala sa histura ko.
"Diba? Nag mamatigas kapa kanina eh..... Dapat madalas kang bumisita dito para makapag bonding din tayo ulit" sabi nya.
"Hindi ko alam. Start na nang pasukan next Monday baka matagalan akong makabalik" sabi ko. Totoo naman grade 7 naako this coming school year at alam kong may mga tao nanamang i pi pressure ako. I need to focus on my studies to get higher grade.
"Saan kaba mag aaral?" Tanong nya.
"O shh.... Mag gagabi na pala! I need to go home" nag madali akong tumayo at tumakbo. "Saan ka pupunta?" Pahabol nya.
"Uuwi na ako!" Sigaw ko.
"Ingat ka!" Kumaway sya saakin at ganun din ako.
And that's how I met Cedrick at dahil sa ginawa nya pinagalitan ako ni mama. Ayaw kong madamay si Cedrick kaya ang sinabi ko nalang ay nahulog ako sa kanal.
"Next time mag ingat ka Zep. It's dangerous paano nalang kung hindi ka naka alis doon?" Pag aalala ni mom.
"I'm fine mom. Don't worry" sabi ko.
Walang nagawa si mama kundi mapa buntong hininga at nag paalam nalang paalis. May pupuntahan daw syang business party with ny Dad.
Ako nalang lagi mag isa. Ako naman talaga lagi ang mag isa ni hindi sila nakaka punta sa school pag may mga events or program masyado silang busy sa trabaho.
Paano naman ako?.
(*_*)
BINABASA MO ANG
A Walk To Remember (SHS# 5)
RomanceWe have always a reason to look back to our past and remember all the good times. When I met him my black and white world turn into rainbow, even he hates me and despise me. Natuturuan naman ang puso na mag mahal kahit hindi mo mahal ang taong yon...