Prologue

2 0 0
                                    

P.O.V. Anayla

"Good morning Ma'am how's your feeling po?" Tanong ko sa isang pasyente. Isa na kasi akong licensed nurse. After almost 7 years na pag aaral at pag hihirap, ayun naka pasa naman at ngayon work is life na. Wala na kong balak balikan ang past. Kasi nga naman past is past so bakit pa need balikan? I need to move forward and focus on my life to be a better version of me.

"Okay naman ako." The patient told me. Agad ko naman kinuha ang record portfolio at isunulat ang kanyang mga sinasabi. Sobrang busy ng schedule ko ngayon mamaya din ma me-meet ko si Gina ang bestfriend ko. Da-dalawin niya daw ako kasi baka daw mabaliw na ko kakatrabaho.

Eh kasi naman wala naman akong gagawin sa buhay ko kundi mag ipon ng pera, kumain, mag shopping, gumamot ng tao, at... at... Yun lang.

"Ano ba yan ang boring ng buhay mo!" Sigaw ni Gina mula sa entrance ng lobby ng hospital. Agad siyang tumakbo palapit sakin.

"Shhh! Wag ka nga I'm happy!" I shrugged.

"Happy? Jusme naman Anayla Virra Clavero!"

"Full name basis talaga?"

"Opo kasi naman please wag ka naman tumandang dalaga na nandito lang sa hospital lagi. Sige ka manunuyot yang -"

"GINA!" Agad kong tinakpan ang bibig ni Gina alam ko na ang ibig sabihin non nakakadiri lang pakinggan tsaka excuse me ano naman diba atleast maging rich tita na lang.

"Baho ng kamay mo ha!" Agad niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa bibig niya. Pinahid pahid ko pa sa damit niya ang aking kamay para bang nag pa-pag pag ng laway.

"Arte mo! Ano ba dumalaw ka ba o nambwiset lang ha? Madami pa ko gagawin!"

Niyakap niya ko at sinabi "Shh baby just stay with me first" agad naman ako kumalas don ng bigla ko matamaan ang isang Doctor.

Shit naman bakit sa lahat ng matatamaan ko Doctor pa! Agad akong lumingon sa aking likuran at humingi ng paumanhin. "Sorry po." Sambit ko habang nakayuko ng onti.

"It's okay." Malamig na tono ang inilabas nito parang mas malamig pa sa bangkay.

Agad kong nalingat ang uniform nito hindi naman ito Doctor dito sa hospital namin... Isa siyang umm shit ka talaga Gina visitor pala ito! Minsan kasi sa isang buwan may mga ibang doctor na bumibisita sa aming hospital, dito sila nag tra-training oh di kaya gumagamot ng ibang pasyente at special treatment siyempre ang dapat naming ipakita hindi kapalpakan gaya ng nagawa ko dahil sa kulitan namin ni Gina.

"Buti nalang di nagalit si Dr. Querez grabe noh di siya nag bago guwapo pa din and cold na jejemon." Sambit ni Gina habang paalis na naklakad ang Doctor na nabangga ko.

"Kilala mo siya?" Nagtatakang tanong ko. Ni ako nga di ko namukaan dahil halos di ko mai angat ang ulo ko sa hiya.

"Ay ano amnesia girl si ate? Uy si Dante yun hala di mo na kilala parang di kayo nag sama ng"

Agad kong hinila ang buhok niya. "Gina shut up!" Di ko na alam gagawin dito kay Gina ang daldal walang preno ang bibig.

"Aray naman!" Sabay hawak sa kanyang buhok na nahila ko sa inis na sakanya "Bakit almost 7 years na naman at okay na kayo diba?"

Tanong niya na nag bigay kilabot sakin. Yun ang nakaraan na pilit ko nang binabaon pero di ko maiwasan. Kasi naman sa daming hospital na pwede niyang puntahan dito pa talaga kung saan ako nag tra-trabaho.

Tsaka sa daming trabaho sa mundo same field pa talaga kami. Doctor siya Nurse naman ako. Ang saya makipaglaro ng tadhana pwede kang matalo o manalo. Pero ako alam ko talo ako kasi sumumpa ako na di na ko uulit masyadong masakit para gawin o ulit noh! Hindi na lang kami nag exist dalawa sa buhay ng isa't isa mas okay yon kesa naman maging friends kami diba oh kaya acquittance. Kasi naman bata pa din kami nung sumubok kami sa relationship na ewan na love na yan hindi namin alam ang ginagawa namin, immature pa kami. Sometimes we change, everything change siguro kasama na yung relationship namin don. Siguro hanggang dun na lang kami, hanggang dun lang ang kaya namin ibigay para sa isa't isa. At hanggang dun na yun. For now we are completely strangers to each other. A perfect stranger.

My Perfect Stranger Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon