Chapter 1: The Nursing Student and the Intern

1 0 0
                                    

"Gina!" Sigaw ko habang tumatakbo papunta sa may bench ng quadrangle nandoon kasi si Gina nanonood ng basketball game ng jowa niya.

"Ano ba maka sigaw to kala mo naman." Bungad niya sakin habang sabay abot ng popcorn sa akin.

"Eh kasi naman ano, si Dante kilala mo ba yun?"

"Hmm, Dante Querez ba? Yung Intern?"

Hays galing talaga ni Gina padating sa mga ganyan paano kasi nasa student council siya kaya no wonder kilala niya halos lahat ng estudyante at mga teacher na nag aaral sa aming university. "Oo siya" sabi ko habang ang aking ngiti abot hanggang edsa.

Di mapinta ang mukha niya sa pagkasabi ko ng oo ano bang mali don. "Bakit ka interesado hm?" She asked habang nakataas ang kilay sa akin.

Ano bang paliwanag ang pwede kong sabihin kasi naman meron na akong 134 na crush... Yes 134 po sila at ano naman crush lang naman at pang 135 na si Dante kasi naman ang galing niya mag perform ng mga medical emergency training parang bihasa na siya don tsaka super gwapo at ang tangkad pa niya hanggang ilalim nga lang ako ng kili-kili niya. Mga 6'2 ata siya nakakahiya naman kasi 5'2 lang ako mukha ko lang siyang kuya.

"Ah ano kasi, ah-"

"Crush mo?" Galing mo bestfriend kuha mo talaga ko eh!

"Ah eh, Oo kasi naman... Ano"

"Gets kita gaga, eh half ng university crush yon si Dante di ka nag iisa. Tsaka kung iniisip mo bakit magaling siya mag perform ng medical kinemerut niyo buong family niya nasa medical field, kung gusto mo siya kausapin bibigay ko nalang schedule niya sayo sundan mo, puntahan mo, istalk mo diyan ka naman magaling"

Grabe naman yon Gina pero salamat! Atleast di ko na kailangan buksan bibig ko alam na alam na niya talaga. Matapos ang basketball game sumunod lang ako kay Gina papunta sa office sa student council agad niyang hinanap ang schedule ng mga intern agad niya naman inabot ito saakin ng makita niya. "Salamat bestie ha!" Sambit ko sakanya. "Hey may bayad yan!" Bara niya sakin. "Lah ano naman?" Sabi ko na tila di makapaniwala na may bayad na pala ako sakanya ha... "Ah, tulak mo naman ako sa Kuya mo sige na" Pag mamakaawa niya kala mo aso lang na nanghihingi ng buto.
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Excuse me don't you have a boyfriend already?" I said in a serious tone.

"Eh wala naman kwenta ni hindi nga ako pinansin kanina diba nakita mo naman, samantalang nanood ako ang init kaya don!"

Hays di ko alam kung maawa ako sakanya o mukha siyang red flag na mukhang kamatis sa taba ng pisngi. Di pa nga sila break ng bf niya ano nag hahanap agad.

"Makipag break ka muna then I'll reconsider"

"Okie Captain!"

Bumaba na ko papunta sa library para ipa photo copy ang schedule nila habang si Gina naman ay tila se-seryosohin ang sinabi ko na makipag break na sa boyfriend niya... Well sa totoo lang naman red flag naman din jowa niya kaya baka mas makabuti na yon at kung si kuya naman ang target niya goodluck 4 years age gap nila noh. Sa kakaisip di ko namalayan na nasa tapat na ko ng library. Excited na ko ipa photo copy ang schedule nila ito na ba ang stalker era ko? No hindi ano lang gusto ko lang naman malaman kung ano ang subject nila ano ginagawa niya sa mga oras na ganito curious lang ako. Mabait ako promise!

Binuksan ko na ang pinto at ipinatong ang papel na hawak ko sa counter table tsaka kumuha ng barya sa bag ko sa di inaasahan di ko namalayan na si... si... "How may I help you?"

Malamig na tono ang pumasok sa katawan ko parang bangkay shit si Dante baka makita niya yung papel alam niya malamang na imposible na mag karoon ako ng schedule nila kasi intern na sila student pa ko patay ako nito. Failed agad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Perfect Stranger Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon