Prologue

2 0 0
                                    

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

...

You don't start out writing good stuff. You start out writing crap and thinking it's good stuff, and then gradually you get better at it.

That's why I say one of the most valuable traits is persistence.

― Octavia E. Butler

"If the book is true, it will find an audience that is meant to read it."

- Wally Lamb

ENJOY READING!

°°°

"

Elay!!" sigaw ng nanay ko mula sa labas ng kwarto ko. Bumangon ako sa kama ko at tiningnan ko ang orasan mag aalas-onse pa lang.

"Kanina pa kita tinatawag na bata ka, alam mong magsisimba tayo!" muling sigaw nito ng nakita niya na ako sa pinto ng kwarto ko. Napakamot naman ako sa ulo ko ng binato ako nito ng towel."Bilisan mo lang maligo para makaabot tayo ng simbang pang alas-dose!"

Tumango lang ako sa kanya at pumunta na sa banyo. Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin at muling humikab.
Antok na antok pa ako, anong oras na akong natulog kagabi kakanuod ng K-drama.

Ewan ko ba sa Nanay ko at naisipan niyang isama ako sa pagsimba e sa aming dalawa siya lang naman ang madasaling tao, ipagsisimba daw namin ang college life ko kaya kailangan kong sumama.

Pagkatapos kong maligo ay bumalik na ako sa kwarto ko, naririnig kong nagtatalak pa si Nanay pero hinayaan ko nalang siya dahil pag sumagot pa ako ay mas hahaba pa ang pagbubunganga nito.

Inayos ako ng susuotin ko, simplang t-shirt lang ang suot ko at pants na loose para komportable ako. Mag-sisimba lang naman kami at uuwi na din.

Nag ayos lang ako ng konti, naglagay ako ng sunscreen, lipstick, at mascara lang ay tapos na akong mag-ayos ng sarili ko.

Pakabihis ko ay lumabas na ako ng kwarto ko. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko ang Nanay ko na naka abang sa akin sa sala ng bahay namin.

"Ano ba naman yang suot mo, wala ka bang damit na sakto lang sayo kaya napapagkamalan kang tomboy! Ayusin mo ang buhok mo hindi mo man lang naisip na magpusod ng buhok!" mahabang sabi nito pero di ko nalang siya pinansin at nagsuklay nalang ako. "Wag kana magsumbrero, kaya walang nagkakagusto sayo! Parang lalaki kung pomorma." Ibinalik ko sa lagayan ko ang sumbrero ko may dalang payong naman ang Nanay ko kaya okay lang.

Habang papunta sa simbahan ay papikit pikit ako kaya hindi ko alam kung saan kaming simbahan magsisimba nito Nanay ko, may malapit na simbahan naman sa amin bat hindi nalang doon kami, kanina pa kami dito sa taxi hindi pa din kami nakakarating. Kaya hinayaan ko nalang ang sarili ko na matulog sa taxi.

Nagising ako dahil may nag uusap sa paligid ko pag mulat ko ay nakita ko ang driver ng taxi na may kausap na guard.

"Drop off lang po." sagot ng driver sa guard.

"Paki balik nalang po yung card paglalabas na kayo." inabot nung guard yung card sa taxi driver.

"Mabuti naman at nagising kana." Si Nanay.

Altar GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon