Chapter 1

4 0 0
                                    

"Ma, kailan ulit tayo masimba?" tanong ko kay Mama.

Nasa sala siya ngayon ng bahay naglalaro sa phone niya ng candy crush. Inalis niya ang tingin niya sa phone niya at tumingin sa akin na nakataas ang isang kilay.

"Nakapagsimba na ako. May simba ka dyan sa malapit meron pang 1pm na mass dyan." sagot nito sa akin.

"Ah, okay. Doon muna ako sa kwarto ko. Aayusin ko lang yung mga dadalhin ko." hindi na sa akin sumagot ang nanay ko at inabala nalang nito ang sarili sa paglalaro ng candy crush.

Pumasok na ako sa kwarto ko at tiningnan ko yung mga dadalhin ko sa manila. Isang maleta at isang backpack lang ang dala ko kasi sabi ni Kuya bumili nalang daw ako ng mga bagong damit para di masyadong madami ang dala ko.

"Ma, labas muna ako." sabi ko sa nanay kong kalalabas lang din sa kanyang kwarto.

"San ka mapunta? baka anong oras ka bumalik, tatawag mamaya ang Kuya Eloy mo." Si Mama.

"Saglit lang ako, Ma." sagot ko.

Nakatayo ako sa gilid ng simbahan dahil punong puno na ito ng mga tao katulad lang din nung nakaraang pumunta kami doon. Wala na akong nakitang bakanteng upuan kaya nakatayo nalang ako dito.

Hindi ako inaantok habang nakikinig sa sermon ni Father kaya hanggang matapos ay mas nagising pa ata ako nung pa exit na sila father. Tumingin agad ako sa mga server ng simbahan at nakaramdam ako ng dismaya nung hindi ko siya nakita.

Napatingin naman ako sa harapan ng simbahan at humingin ng tawad sa isip ko dahil baka narinig ako lord at malasin ako sa school.

Umalis na ako sa simbahan at bumalik na ako sa bahay. Pag dating ko sa bahay ay naabutan kong katawagan niya si Kuya.

"Kanina pa kita hinihintay, na mgangamusta ang kuya mo." sabi ni Mama nung nakita ako nito.

"Hello, Kuya! Padagdag allowance!" sabi ko at sinilip ko ang phone ni Mama. Mukhang papasok pa lang ito sa kanyang trabaho.

"Kapal mo, laki na ng pinadala ko sayo nung nakaraan. Manghingi ka sa Papa mo." pagbibiro nito.

"Ikaw nalang magbigay sa akin, sayo na yang papa mo." sagot ko sa kanya. Nakataggap naman ako ng kurot kay Mama. "Aray, Ma." sabi ko habang nakahawak sa tagiliran ko.

"Kung ano ano kayong dalawa, magpapadala ang tatay niyo sa katapusan. Magbibigay ako sayo." hindi na ako sumagot kay Mama.

"Ikaw bahala ma." sagot ko. Dagdag allowance din yun uy.       "Pasok muna ako sa kwarto ko."

Pumasok na ako sa kwarto ko, hinayaan ko nalang na mag usap si Mama at Kuya. Miss na miss ang kanyang poboritong anak. Hindi pa nga nakakaisang taon si Kuya sa ibang banda ay babalik na ito dahil kay Mama.

Hindi din yun makatiis na hindi makita kaming pamilya niya e. Kahit masama siguro ang loob namin kay Papa ay gugustuhin pa din itong kamustahin.

May ibang pamilya si Papa bukod sa amin, ang huling balita ko ay buntis ang babae niya hindi ko lang sigurado kung nasaan siya ngayon pero pa minsan minsan ay nakausap yun ni Mama.

Wala naman akong narinig na kung ano kay mama dahil nasa ibang banda din si Papa ang mahalaga lang kay Mama ay sa amin umuuwi si Papa tuwing babalik siya sa pilipinas. Ewan ko lang kung ganoon pa din ngayong mag kakaanak na sila nung bago niya.

"Kompleto na ba itong dadalhin natin?" pang limang tanong na ata ito ni Mama sa akin.

"Opo, Ma." sagot ko at tiningnan ang gamit ko sa loob ng sasakyan ni Kuya Chikoy ang kapitbahay namin.

"Siguraduhin mo ha at para hindi kana hakot nang hakot."

"Tara na Kuya Chikoy." sabi ko sa maghahatid sa akin sa apartment ko.

Altar GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon