"Kamusta kana?" tanong nito ulit sa akin."Gusto ko sanang makipag catch up sayo kaso may gagawin pa ako."
"Ah, sige sige." tanging na sabi ko sa kanya. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya hanggang sa mawala siya sa paningin ko mabuti nalang may tumawag sa akin.
"Ysabel!" tawag sa akin ni Ate July. Umubo ako at umayos ako ng tayo. Sana hindi ako mukhang tanga. "Kukunin mona ba yung kutsilyo? Dadalhin ko na e."
"Kukunin ko po, magluluto po yung kaibigan ko."sagot ko sa kanya at inabot niya sa akin yung kutsilyo.
"Yung dalawa kaninang magaling sumayaw?"
"Opo, nasa loob po sila... Gusto mo sila makita?"
"Hindi na aalis na din kami may kinuha lang kami, need kami sa gym." tumango ako sa kanya at bumalik na siyasa room niya at ako naman ay pumasok na sa loob ng room ko.
"Ang tagal mo naman." reklamo ni Meanne sa akin.
"Umamin ka nga sa amin. Crush mo ba si Ate July?" tanong ni Myka sa akin.
"Ha?" tangin na sabi ko at nakalunot pa ang noo ko.
"Kung crush mo ba si ate july." ulit pa nito.
"Hindi, may iba akong crush."sagot ko sa kanya, hindi nila kilala si Altar Girl na crush ko kasi baka asarin nila ako na nagsimba ako nung araw na iyon kaya ngayon pa lang sa kanila sasabihin.
"Yiee, sino naman?" tanong nito sa akin at hindi na sumagot. Wala naman kasi akong isasagot kasi hindi ko alam ang pangalan nung babae at Altar Girl lang ang tawag ko doon."Aba nagse-secret na, dalagang dalaga na ah." natawa naman ako sa pinagsasabi niya.
"Apaka epal mo naman, basta hindi taga school." sagot ko at mas lalo ata siyang na intriga kaya lumapit na siya sa akin."Ano ba!" reklamo ko sa kanya nung sumiksik siya sa akin.
"e taga saang school? babae or lalaki? Matagal mo ng kilala?" sunod-sunod na tanong nito.
"Hindi ko nga alam kung taga-saang school, babae siya." sagot ko sa mga tanong nito.
"Bading HAHAHAH." inirapan ko ito at itinulak papalayo sa akin.
"Doon kana."sabi ko pa. Nawala yung antok ko nung nakita ko si Ace.
"Sabihin mo sa akin kung saan mo nakita malay mo mahanap natin." sabi pa ni Myka. Hindi niya pa rin ako tinitigilan.
"Sa simbahan." tanging sagot ko at tumawa ito nang tumawa pati ni Meanne ay nakikitawa na din."Hoy, totoo! Isinama ako ni Mama nung nakaraan tapos ayun kahit inaantok ako nun tapos patapos na yung simba nun tapos lalabas na sila father tapos nung nakita ko siya nawala yung antok ko, parang nabuhayan yung pagkatao ko." sabi ko sa kanilang dalawa at mas natawa pa ata sila sa sinabi ko.
"Gago, di ka inlove nabuhayan ka lang talaga kasi tapos na yung simba." sabi ni Meanne at umiling iling pa.
"Feeling inlove si bading!" nginisian naman ako ni Myka.
"Tarantado kayo ah, totoo sinasabi ko bumalik ako doon para ma confirm yung nararamdaman ko, kaso di ko siya nakita doon." pagkukwento ko sa kanila. Mabilis naman pinatay ni Meanne yung lutuan at mabilis na lumapit sa akin.
"Totoo ba yan? In love ka bang bading ka?" tanong nito sa akin.
"Malay ko, baka crush lang."sagot ko sa kanya at bumangon sa pagkakahiga. Aayusin ko na yung lameda para makakain na kami.
Habang inaayos ko yung kakainin namin ay pinaguusapan ng dalawa yung mga tipo ko sa babae at sa lalaki.
"Ang tipo naman niya sa babae at lalaki ay mas matanda sa kanya parehas, ayaw niya ng bata sa kanya, maangas... ano pa ba?" Si Meanne.